JADINE, BUHAY NA BUHAY PA!

0
58


Nadine at James

Magsisimula sa darating na linggo ang ­shooting ng bagong movie project nina ­Nadine Lustre at James Reid. Si Barry Gonzales ang direktor ng Nadine-James starrer at ito ang second project niya sa Viva Films.

Nakitaan ng husay si Barry sa Fangirl/Fanboy, ang launching movie nina Julian Trono at Ella Cruz kaya ipinagkatiwala sa kanya ng Viva ang pelikula nina James at Nadine.

Kukunan sa isang probinsya sa Northern Luzon ang mga eksena ng Nadine-James movie na biggest break ni Marco Gumabao dahil ito ang gaganap na third wheel sa JaDine loveteam.

Excited si Marco sa nalalapit na shooting ng ­unang movie project niya sa Viva Films dahil isa ito sa kanyang mga pangarap na nagkaroon ng ­katuparan.

Nang lumipat si Marco sa Viva Artists ­Agency, nabigyan agad siya ng guesting sa Eat Bulaga ­bilang isa sa mga contestant ng Jackpot En Poy.

Overwhelmed si Marco nang tumuntong siya sa Broadway studio ng Eat Bulaga dahil first time niya na lumabas sa isang programa ng GMA 7.

Kung may maganda na role para sa ­kanya sa mga teleserye ng GMA 7, willing si Marco na maging Kapuso star. In fact, Kapuso star ang ­introduction kay Marco sa Eat Bulaga kaya talagang nakaramdam siya ng paninibago.

Marco Gumabao
Marco Gumabao

Invited si Marco sa Star Magic Ball na maga­ganap sa Makati Shangri-La Hotel sa September 30. Nakarating sa kanya ang imbitasyon bago pa siya pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency noong September 4, 2017.

Isang araw matapos ang contract signing niya sa Viva Artists Agency, sinabi ni Marco na binawi ang imbitasyon sa kanya sa Star Magic Ball at naintindihan niya ang sitwasyon.

Michael P., kumalas na kay Jobert!

Kinumpirma ni Jobert Sucaldito na hindi na siya ang manager ni Michael Pangilinan.

May kasunduan noon ang dalawa na maghihiwalay sila sa December 2017 pero hindi na nakapaghintay si Michael at ang mga magulang nito.

Reportedly, ang tatay ni Michael ang magpapatakbo sa singing career ng kanyang anak pero may mga hinala na eventually, lilipat sa ibang ­management company ang singer na may mga bagong ­private ­video na kumalat, ilang linggo na ang nakararaan.

Tuloy ang buhay para kay Jobert na itinuring na sariling anak si Michael at ang ibang mga talent niya. Si Jobert at ang mahusay na pakikisama nito sa kanyang colleagues ang numero uno na dahilan kaya hindi inilalabas ng media ang mga isyu na makasisira sa pagkatao at career ng mga alaga niya.

Ngayong wala na siya sa poder ni Jobert, dapat maging maingat si Michael dahil wala nang magta­tanggol sa kanya at makikipag-away sa mga kritiko niya.

Marian, special guest sa Gabay Guro!

Si LA Madridejos ang direktor ng ­Super Ma’am, ang fantasy drama series ng GMA 7 na pinagbibidahan ni ­Marian ­Rivera at mapapanood simula sa Lunes, ­September 18.

Hindi baguhan na television director si LA dahil siya ang second unit director ng Little Nanay at ng mga drama series ng ABS CBN bago siya lumipat sa Kapuso Network.

Ang Super Ma’am ang television comeback ng veteran actress na si Helen Gamboa.

Sinabi ni Helen na sina Marian at LA ang mga dahilan kaya tinanggap niya ang offer ng GMA 7 na maging cast member ng Super Ma’am.

Hinihingi ni LA ang suporta ng lahat dahil sigurado raw siya na magugustuhan ng televiewers ang kakaibang kuwento ng Super Ma’am na maituturing na tribute sa mga guro dahil ang September ang National Teacher’s Month.

Speaking of Marian, kabilangsiya sa mga special guest sa grand gathering ng Gabay Guro na magaganap sa September 17 sa Mall of Asia Arena, ang bisperas ng pilot telecast ng Super Ma’am.

Perfect venue ang 10th anniversary celebration ng Gabay Guro para maimbitahan ni Marian ang mga guro mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas na panoorin at suportahan ang primetime teleserye niya.

Teacher ang role ni Marian sa Super Ma’am at ipapakita niya sa kanyang bagong primetime teleserye ang mga hirap at pagsubok na pinagdaraanan ng mga guro na isa sa mga tunay na bayani ng bayan.

Bukod kay Marian, magbibigay ng aliw sa 20,000 – invited teachers ng Gabay Guro sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Pops Fernandez, Lea Salonga, Jona, Luke Mejares, Jay-R, Jaya, G-Force, UP Pep Squad, Medwin Marfil, South Border at ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Mga host ng grand gathering ng Gabay Guro sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Andrew Wolfe.

Tiniyak ni Gabay Guro Foundation Chair Chaye Cabal-Revilla at Gabay Guro Brand Advocacy head Gary Dujali na world class entertainment at mga premyo gaya ng gadgets, livelihood opportunities, cash prizes,  dalawang house and lot at dalawang brand new car ang mga mapapanalunan ng mga guro sa raffle draw.

Ipinagmamalaki ni Dujali ang mga parangal na natanggap ng Gabay Guro na patuloy sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga guro, ang Anvil Awards, Philippine Quill Awards at ang Philippine Association of National Advertisers Awards.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments