Iya Villania naging close kay Heart

0
60


Inamin ni Iya Villania-Arellano na hindi niya akalain na magiging close sila ni Heart Evangelista-Escudero nang magkasama sila na mag-taping ng ilang eksena sa South Korea para sa primetime tele­serye ng GMA-7 na My Korean Jagiya.

Inamin ni Iya Villania-Arellano na hindi niya akalain na magiging close sila ni Heart Evangelista-Escudero nang magkasama sila na mag-taping ng ilang eksena sa South Korea para sa primetime tele­serye ng GMA-7 na My Korean Jagiya.

Sey ni Iya na kahit matagal na niyang kilala si Heart, hindi raw siya naging close dito. Kaya paano raw sila magmumukhang best friends sa teleserye?   

“Actually, I was a little nervous to accept the project kasi alam ko nga na magiging best friend ako ni Heart.

Paano kami magiging best friends eh, hindi naman kami masyadong ma-chika?“Mayroon kaming chances before to be friends like MYX and Sunday All Stars, pero hindi lang kami naging close,” kuwento pa ni Iya.

Pero dahil nagkaroon sila ng bonding sa South Korea, nakilala raw nila ang isa’t isa ng husto.“I’m so thankful I was given the opportunity to get to know her here.“I would like to say ngayon na hindi ko make-claim na best friends kami, pero pagkatapos nito baka best friends na kami.

“Sobra akong natutuwa kay Heart, because from what I thought of her before, it’s so different to what it is.“I didn’t expect that I’d be so comfortable with Heart.

Sobra kaming magkaibang tao, parati siyang maganda at maayos, ako ang brusko,” natatawang sey pa ni Iya.

Hindi naman daw nahihirapan na bumalik sa paggawa si Iya ng teleserye kahit na may anak na itong inaasikaso.“With something like this, I think kaya naman, lalo na with the role that’s given to me is something I enjoy.“

At saka magwa-one-year-old na rin naman si Primo so he’s not as demanding,” pagtapos pa ni Iya Villania-Arellano. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments