IT’S GOING TO BE A WAR – PACQUIAO

0
65


“It’s going to be a war, I’m expecting him to come inside close to me fighting toe to toe and I’m ready for that.”

Ito ang deklarasyon ni eight-division world champion Manny Pacquiao, sa radio interview hinggil sa magiging laban nila ni Jeff Horn nang duma­ting sa Down Under ang buong entourage ng Team Pacquiao, kasama na ang asawang si Jinkee at ilang miyembro ng pamilya.

Sa Linggo (July 2) na ang inaabangang pinakamalaking boxing bout sa Australia, na magaganap sa Suncorp Stadium sa Brisbane.

“Training is good, we did a lot of hard work, I am very excited for the fans to give a good show to show my best and in boxing ring,” lahad ng 38-anyos na si Pacquiao sa Australian Broadcasting Corp. radio.

Ayon kay Pacquiao, ipapakita niya sa mga fans na dadayo sa Suncorp Stadium na matindi ang naging preparasyon niya para sa pagdedepensa ng WBO welterweight crown, sa kabila ng ilang ulat na umano’y hindi siya seryoso sa laban.

“Some reports coming out of the Philippines that I haven’t been training hard are not true… It just happens that when some of our friends came around to our training camp, we weren’t doing much and people assumed I wasn’t training hard. I want to show my best in the boxing ring in Brisbane for my fans.”

Si Pacquiao, tinaguriang Fighting Senator, ay may ring record na 59-6-2, 38 KOs. Ito ang una niyang title defense sapul nang mahablot ang korona nang talunin si Jessie Vargas noong Nobyembre 2016 sa Las Vegas.

Ito naman ang pinakamalaking laban ni Horn, edad 29, at may record na 16-0-1, 11KOs. Isang Olympian (2012 London) ang Aussie fighter. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments