ISPORT LANG!: Tabal aalis-babalik –

0
67


Parang mauulit ang ­istorya ni Olympian Mary Joy Tabal noon bago siya pinayagan ng PATAFA na makasali sa 2016 Rio de ­Janeiro Olympic Games.

Ngayon naman sa Southeast Asian Games (SEAG) sa Kuala Lumpur sa Agosto.

Nanalo si Tabal sa ­Scotiabank Ottawa half marathon sa pamamagitan ng record time na 1:16:27 nitong nakaraang linggo lang.

Ang oras na ito ay tumakip sa dati niyang record ng halos dalawang minuto na naitala niya sa ­Japan last year at sa sinasabing Philippine standard ni Mercedita Fetalvero na 1:18.45 sa half marathon noong 2008.

Nang makabalik ng bansa kaagad na nagpa­hayag si Tabal ng pagnanais na katawanin ang ­Pilipinas sa SEAG sa Malaysia.

Pero, sinabi ni PATAFA vice president ­Nicanor Sering, hindi ganoon kadali dahil matapos ang Rio Games kung saan nakatapos si Tabal na pang-124th ay kaagad na nag-withdraw ito sa ­national pool.

Ngayon, para makapunta siya sa Kuala Lumpur SEA Games, kailangan niyang magpa-reinstate uli sa PATAFA.

Ganitong-ganito rin ang naging sitwasyon ni Tabal noon bago siya nabigyan ng tiket papunta sa Rio Games.

Ginulantang ni Tabal ang Pilipinas nang lumahok siya sa Scotiabank Ottawa full marathon race nang magsumite siya ng clocking na 2:43:41 na pasok na pasok sa Olympic qualifying standard.

Pero, hindi basta-basta makakasali ang 28-year-old Cebuana dahil nag-quit din siya sa national pool kaya hindi siya kuwalipikado sa Olympics.

Kaya kinailangan ni Tabal na magpa-­reinstate sa PATAFA bago siya naisama sa Philippine ­contingent sa Rio Games.

Ngayon, mauulit na naman ito dahil sa ginawa nitong pag-withdraw sa national pool matapos na matapos na katawanin ang bansa sa inter­national competition.

Si Tabal ay tumatakbo sa ilalim ng Cebu City at may mga sponsors na nagpopondo sa ­kanyang training at paglahok sa ibang bansa sa marathon kaya naman alis at pa-reinstate ito sa ­Philippine team.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments