ISPORT LANG: Pacquiao-McGregor? –

0
62


Ginulantang ni Top Rank promoter Bob Arum ang mundo ng UFC sa ginawa nitong offer kay mixed martial arts champ Conor McGregor in case hindi matuloy ang negosasyon kay Floyd Mayweather ay puwede si Senator Manny Pacquiao.

Ginawa ni Arum ang offer sa interview sa kanya ng TMZ.

Sabi ng promoter kapag nagkaroon ng aberya sa pag-uusap ng kampo ni McGregor at Mayweather ay puwedeng-puwede si Pacquiao.

Nasa kainitan na ang training ng Fighting Senator para sa laban nito kay Australian Jeff Horn sa July 2 sa Brisbane, Australia.

Pinayagan na ng UFC si McGregor na sagupain si Mayweather­. Pero si Mayweather tila nagdadalawang isip pa dahil pinag-aaralan pa yatang maigi kung kikita siya ng limpak-limpak na dolyar sa kanyang pagbabalik sa boksing.

***

Kung sabagay hindi man mag-materialize ang hamon ni Arum kay McGregor matapos ang laban ni Pacquiao kay Horn sa July, hindi naman mababakante si Pacquiao.

Tatlong boxer na pawang world champions ang humahamon sa WBO welterweight champion.

Ang mga ito ay sina Errol Spence na kapapanalo lamang kay Kell Brook noong Sabado sa UK, Terence Crawford at Keith Thurman.

Silang tatlo, lahat ay isinigaw ang pangalan ni Pacquiao matapos na maipanalo ang kanilang mga laban.

Si Crawford ay light welterweight world title holder samantalang si Crawford ang hari sa WBA at WBC welterweight division at si Thurman ay IBF welterweight title holder.

Ang tatlong ito ay iisa lamang ang target kung bakit hinahamon si Pacquiao. Siyempre ang isang damukal na perang kanilang kiki­tain sakaling mapusuan sila ni Pacquiao o ni Arum.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments