ISPORT LANG!: Malasakit ba o takot lang?

0
45


Nakakaintriga ang payo nitong si Glenn Rushton, trainer ni Jeff Horn kay Fighting senator Manny Pacquiao.

Mahirap intindihin kung sa kabutihan ni Pacquiao ang nasabing payo o takot lang sila na magkaroon ng rematch.

Sa interview  ng Courier Mail, sinabi ni Rushton na: “We’d love the rematch of course, because we want the big fights, but if I was Manny’s corner, I would tell him to chase easier fights than Jeff.”

Sabi pa ni Rushton, kung gusto ni Pacquiao ng malaking “payday” si Amir Khan na lang daw ang labanan dahil mas magiging ligtas siya, dahil kung kay Horn ay kakainin siya nito ng buo.

Warning pa ni Rushton, dahil sa panalo ni Horn mas lalong itong lumakas, samantalang si Manny ay narating na ang pinakatuktok ng kanyang husay at hanggang doon na lang ito at wala nang igagaling pa.

Lumabas ang interview kay Rushton matapos na magpahayag si Pacquiao na ipapaala-ala niya kay Horn ang nangyari sa 9th round, na planong isakatuparan ng senador sa first round pa lamang sakaling matuloy ang kanilang rematch.

“I will remind him of the 9th round in the first round,” sabi ni Pacquiao sa gitna ng mga haka-haka sa pangalawang pagsasagupa nila ni Horn ay nakabitin pa sa “balag ng alanganin.”

Ang sinasabi ni Pacquiao ay ang  9th round ng kanilang sagupaan noong July 2, kung saan halos nawala sa katinuan si Horn at kulang na lang ay pitikin na lang ng senador para bumagsak pero na-saved by the bell.

Kung  ang statement  ni  Pacquiao ang pagbabasehan natin mukhang rematch na ang patutunguhan nito kaya lang hindi pa masabi kung kailan at saan.

May balita na nag-aagawan ang Melbourne at Sydney na i-host ang rematch. Pero humihirit pa rin ang Brisbane, venue ng ‘Battle of Brisbane.’

Sabi ng Brisbane meron naman itong 14,500-capacity entertainment center na may bubong  para sa rematch.

Sa  buwan ng Nobyembre ay pabago-bago ang panahon sa Queensland at walang bubong ang Suncorp Stadium, kaya tila inalis na ito sa venue ng rematch sakaling matuloy.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments