ISPORT LANG!: Lukut-lukot ang mukha

0
19


Parang pinagsakluban ng langit at lupa noong  Linggo ng gabi si Barangay Ginebra coach Tim Cone dahil sa sobrang sama ng laro ng kanyang mga players kontra sa sister team San Miguel Beer.

At siyempre, hindi lamang si Cone ang dismayado kundi ang mahigit  11-thousand crowd na nagtungo sa Smart Araneta upang  saksihan sana ang inaasahang dogfight ng magkapatid na team.

Pero, hindi nangyari ang kanilang inaasahan at sa halip one-sided ang kinalabasan ng sagupaan (107-103) pabor sa Beermen para sa kanilang 5-3 record kasama ang TNT KaTropa sa fourth place.

Natigpas na rin ang seven game winning run ng Kings at nabigong umusad sa Top Four bitbit ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

Dahil sa kunsumisyon sa kanyang mga players na tinambakan ng 26 points ng Beermen, hindi na nag-coach si Cone at ibinigay sa kanyang assistant na si Richard del Rosario ang manibela kahit pa naidikit ng Kings sa five points ang laban.

Bumitaw si Cone sa pagko-coach sa 4th quarter samantalang mahigit na limang minute at 76-91 ang score at sumiksik sa kasuluk-sulukan ng kanilang bench.

Maaga rin siyang lumabas ng dug-out at tumangging magpa-interview sa mga sportswriter.

Isang kasama ang nagbulong sa Isport Lang na kapag talo si Cone hindi siya talaga napapa-interview o kahit na selfie ng mga fans.

Kung si Cone ay lukot-lukot ang mukha, kabaliktaran naman kay Beermen coach Leo Austria. Satisfied siya sa performance ng kanilang bagong import na si Terrence Watson.

“He’s a big help. He’s a big factor . And it’s tough for Ginebra because they’re not able to scout our new import,” sabi ni Austria kay Watson na umiskor ng 28 points at 17 rebounds.

Dahil sa wakas ay natagpuan  na yata  ni Austria ang import na kailangan niya at buong pagmamalaking inihayag niya sa interview na achievable na sa kanila ang Top Four finish sa eliminations.

Samantala, dahil sa pagkatalo, nalaglag ang Kings sa 7-2 record kasama ang NLEX Road Warriors, pero naroon pa rin ang dalawang tsansa sa Top Four finish at twice-to-beat sa quarterfinals kung mananalo sa huling dalawang assignment kontra sa Elasto Painters at TNT.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments