ISPORT LANG!: Kakainggit ang Vietnam

0
42


Dalawang araw na lamang at isasara na ang telon ng 29th Southeast Asian Games SEAG sa Kuala Lumpur, Malaysia.

At base sa mga napanalunang gintong medalya ng ating mga atleta hanggang kamaka­lawa (Aug. 28), tila ma­labo nang makapiglas ang Team Philippines sa pang-anim na puwesto.

Habang isinusulat ang kolum na ito — 22-28-54 — ang kabuuang bilang ng gold, silver at bronze medals na naharbat ng mga Pinoy athletes.

Malaking katanu­ngan rin kung malalampasan pa natin ang 29 golds na nasungkit natin sa 2015 Singapore Games na para lamang sa ika-anim na puwesto.

Nakabuntot tayo sa fifth placer Indonesia (31-47-57), nasa pang-apat na puwesto ang Singapore (47-40-57), third place ang defending cham­pion Thailand (50-69-67), second place ang Vietnam (52-38-47) at virtual overall champion na ang host Malaysia (94-63-62).

Ilang araw bago tumulak ang Team Phi­lippines, buong gilas si Chef de mission Cynthia Carrion na nagsabing kayang-kaya ng ating mga atleta na sumikwat ng 50 medalyang ginto.

Nang makausap ni Carrion ang mga coa­ches ng bawat national sports associations, aba, itinaas pa sa 63 golds ang ante.

Ngayon, siguro magandang tanungin natin  si Carrion, ang mga coaches at pati na rin ang mga presidente ng NSAs kung anong pormula ang kanilang ginamit at lumabas sa kanilang estimate ang 50 to 63 golds.

Dapat siguro pagbalik ng Philippine contingent sa bansa, ay magpatawag ang kongreso ng inquiry sa ating mga sports officials sa pangunguna ng POC president kung bakit sa halip na mag-improve ay pasama nang pasama ang performance natin sa biennial meet.

Nakakainggit tuloy ang Vietnam na mula sa kakaning-itik ay consis­tent ang kanilang improvement .

Nagsimulang dumausdos ang mga medalyang ginto na napapanalunan natin sa SEAG noong 2007 (41 golds); 2009 (38 golds); 2011 (37 golds); 2013 at 2015 (29 golds).

Nangyari ang lahat ng ‘yan sa panahon ng panunungkulan ni Jose “Peping” Cojuangco bilang POC president.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments