ISPORT LANG!: Cabagnot o Ross sa MVP?

0
49


Ngayong araw magpupulong ang Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps bago ang  Game 3  ng best-of-seven title playoffs ng San Miguel Beermen at  Talk n’ Text KaTropa.

Top of the agenda kung paano ireresolba ang issue sa pagpili ng  MVP sa on-going Commissioner’s Cup  na sina Chris Ross at Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen.

Sa tinagal-tagal ng press corps sa pagpili ng  MVP, tila ngayon lamang ito nagdalawang-isip dahil tabla sina Cabagnot at Ross.

Sa katapusan ng elimination round ng Commissioner’s Cup parehong may statistical points sina Ross at Cabagnot ng 34.125 statistical points (SPs).

May average si Cabagnot na all-around numbers na 15.13 points, 6.56 rebounds at 5.06 rebounds per game samantalang si Ross ay 13.19 points,8.06 rebounds at 2.94 steals per game.

Si June Mar Fajardo ang nasa third place, sinundan ni Stanley Pringle ng GlobalPort at panglima si Jason Castro ng TNT.

Babalangkas ang press corps ng formula kung paano ibi-break o maiwasan ang pagtatalo ng mga miyembro sa mapipiling iboboto sinuman sa dalawa.

Isa sa nasisilip nila ay ang tingnan ang stats  ng dalawa sa mga nakalipas na  laban ng SMB mula eliminations hanggang sa semifinals.

Sa pamamagitan nga naman nito ay maiiwasan ang kontrobersiya sa pagboto sa kanila ng press corps.

Ganito kung paano ang pagboto sa MVP — 40% sa statistics, 30% sa mga accredited media tulad ng press corps, radio at telebisyon, 25 % ang player’s vote at 5 % ang Office of the Commissioner.

Sa pagkakatanda ng Isport Lang! pangatlong beses pa lamang siguro nangyari na ganito kadikit ang MVP race.

Noong una ay sa pagitan nina Atoy Co at Ramon Fernandez, pangala­wa ang kaso nina Alvin Patrimonio at Jerry Codiñera.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments