Impeach Sereno –

0
34


Nasaksihan natin ang pagharap ni Atty. Larry Gadon sa Committee on Justice ng Kamara kaugnay ng isinampa niyang impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa unang pagtaya, tila naglulubid si Gadon sa kanyang mga akusasyon laban sa Punong Mahistrado. Nandoon na di maalala kung sino ang kanyang mga importante matapos siyang ilaglag ni Jomar Canlas, reporter ng Manila Times. Hanggang sa pag-amin na wala siyang ebidensiya sa ilang akusasyon.

Ngunit sa pagharap ni SC Associate Justice Teresita De Castro, nagkaroon ng linaw ang mga kuwento ni Gadon kaugnay ng posibleng paglabag ni Sereno sa mga umiiral na batas.

Nakuwestyon ang motibo ni De Castro, dahil kandidato rin siya noon sa pagka-punong mahistrado ng SC, pero umapila siya sa komite na tingnan ang kanyang mga ibinatong kuwestyon kaugnay ng nais ni Sereno na pagtatayo ng mga dagdag na satellite court.

Pero may dagdag na banta naman si Gadon kung hindi magbibitiw sa tungkulin si Sereno. Hawak niya ang dokumento mula sa Korte Suprema kaugnay ng pag-hire ni Sereno ng mga IT consultants sa halagang p10 milyong piso. Isang consultant umano ang tumatanggap ng p200 piso mahigit kada buwan.

Labas na ito sa articles of impeachment kaya sa Ombudsman na didiretso si Gadon.

BALITAWIT

Sa tono ng Hindi Kita Malilimutan ni Basil Valdez

Bakit mo ba nalilimutan
Reklamo na..papabayaan
Hearing na parang magpakailanman
Di na maalala mga pangalan

Malilimutan ba niya si Jomar?
Ang report na galing sa kanya
Pero noong Lunes harap-harapan..
Si Gadon kanyang tinatalikdan
Ngunit kahit na malimutan
May docu naman na tangan tangan

Chorus:

Bakit mo ba nalilimutan?
Kaso ay na…papabayaan

Kay dami nang nalilimutan
Impeachment ay na…papabayaan…
lord kayo na po ang bahala



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments