Ilang taga-showbiz, may reaksiyon din sa P1,000 CHR budget

0
30



Hindi nanahimik ang ilang personalidad sa showbiz sa isyung pagbigay ng Kamara ng P1,000 pondo sa Commission on Human Rights (CHR).

Dinepensahan ni Luis Manzano mula sa pambabatikos ang inang si Batangas Rep. Vilma Santos, na tutol umano sa desisyon ng Kamara.

Ayon kay Luis, hindi nakadalo ang ina sa budget deliberation dahil sa karamdaman.

Sa social media rin ibinuhos ng ilang artista ang galit at pagkadismaya sa nangyari.

Ang aktres na si Agot Isidro, binansagang “House of Representa-thieves” o magnanakaw ang mababang kapulungan. 

May kalakip pang retrato ng mga kongresista ang ang tweet ni Agot.

Para naman kay Enchong Dee, walang silbi ang mga pulitiko.

Nagulat naman sina Bianca Gonzales at Dingdong Dantes sa resulta ng botohan.

Sumang-ayon si Binibining Pilipinas-International Mariel De Leon sa pahayag ng kolumnistang si Shakira Sison na wala nang halaga ang karapatang pantao ng mga Pilipino.

Fund raising

Balak naman ng aktor na si Romnick Sarmenta at direktor na si Joey Ting na magsagawa ng fund-raising para sa mga sumusuporta sa karapatang pantao.

Si Pasig Councilor Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Connie Reyes, sinabing ilalaan ang bahagi ng kaniyang suweldo sa CHR, kung legal ang pagbibigay ng kontribusyon.

Nagpaabot din ng pinansyal na tulong ang direktor na si Adolf Alix.

Kagagaling lang ni Direk Adolf sa pagpapalabas ng kaniyang pelikulang “Madilim Ang Gabi” sa Toronto International Film Festival sa Canada.

Paksa ng “Madilim Ang Gabi” ang extrajudicial killing.

Katulad ito ng klasikong Martial Law play na “Pambansang Bayan” at “Game of Trolls” ng Philippine Educational Theater Association.

Tinatalakay ng “Game of Trolls” ang pagkilatis ng ilang millennial sa kasaysayan.

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments