ILANG POLITIKO KAMPI SA MGA TERORISTA

0
71


TRAYDOR ang ilang mambabatas na nagpetisyon sa Supreme Court para ipawalambisa ang Proclamation 216 na nagpairal ng Martial law sa Mindanao mula noong Mayo 23.

Wala talagang magawang kapaki-pakinabang ang mga congressman na ito!

Sinasayang lang nila ang oras at pampublikong pondo sa pamumulitika nila laban kay Pangulong Duterte.

Hindi ba malinaw sa kanila na ipinatupad ni Manong Digong ang batas militar diyan sa katimugan para mapabilis ang pagtugis sa mga teroristang grupo ng Maute at Abu Sayyaf na namumugad sa iba’t ibang lokalidad sa Mindanao?

Hindi ba nila natutunghayan ang mga karumal-dumal na karahasan na ginagawa ng Maute at Abu Sayyaf Groups sa Marawi City kabilang na ang pagpatay sa mga kapwa nila Muslim?

Mismong taumbayan na naninirahan sa Mindanao ay pabor sa pagpapairal ng Martial law kung bakit itong mga mambabatas na may bansag na “Magnificent 7” ay dumulog pa sa Mataas ng Hukuman para pawiin ang batas militar.

Iyan ba ay dahil pinupulbos na ng Armed Forces ang mga traydor na terorista at wala nang matakbuhan ang mga ito?

Bakit tila pinoprotektahan nitong “pitong bugok na itlog” sa Kamara ang mga nanliligalig ng sambayanan?

Bakit ayaw nilang malupig ang mga demonyong terorista ngayong binobomba sila ng buong puwersa ng batas?

Lumilitaw na kinakanlong at kinakampihan ng mga dilawang mambabatas ang mga terorista?

Mga traydor!!! Inutil!!! DEADSHOT/ERWIN TULFO

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments