Ilang drayber ng Uber bobo sa kalsada

0
3624


ILANG drayber ng UBER na umaasa lang sa WAZE para makarating ang pasahero sa kanilang destinasyon, kadalasan ay palpak at lalong napapadaan sa trapik na lugar o ‘di kaya ay naabala ang pasahero dahil nahuhuli sa kanilang appointment.

***

Ito ang kapansin-pansin sa mga UBER driver dahil umaasa lang sila sa WAZE, kadalasan kasi ang mga drayber ng UBER ay walang alam sa kalye ng Metro Manila. Marami sa drayber ay nagkaroon lang ng pang-down payment na P50,000 ay inaaprubahan na ng auto company na maka-avail ng kotse para gawing UBER. Ang sistema, wala naman palang alam sa kalye.

***

Kung minsan, mayroong may-ari ng kotse na nag-enroll sa UBER, kukuha ng porsiyentohang drayber na isa pa ring bobo sa kalye, basta marunong magmaneho lang. Siguro dapat isabatas sa mga nagmamaneho ng UBER ay gaano katalas ang drayber sa mga lugar na destinasyon ng pasahero para maiwasan ang paggamit ng WAZE o ‘di kaya ay sundin ang pasahero na bihasa sa lugar na pupuntahan.

***

Sa aking karanasan na maraming beses na rin nakasakay sa UBER, masasabi ko na marami talaga ang bobo sa kalye, kaya kadalasan tanong ko sa drayber tagasaan ka ba? Sagot ni drayber taga-Bulacan o Cavite… ano masasabi n’yo mga ‘igan!

***

Minsan , sumakay ako mula sa Pasay city hall dahil coding ang aking sasakyan nagpahatid ako sa Las Piñas city hall. Pagsapit sa EDSA, dapat ay lumiko kami sa Macapagal Ave., nag-u-turn ang bobong driver at doon ako idinaan sa Roxas Blvd., sa haparan ng Redemptorist Church na ubod nang trapik dahil sa mga nakahambalang na passenger bus, sakop ng Baclaran, Parañaque City. Sabi ko sa driver, iliko ang sasakyan sa may SNR, para lumabas kami ng Macapagal Ave., dahil siguradong matrapik sa kanto ng Coastal Road patungong NAIA… o hindi ba bobo ang driver?

***

Kaya hindi maiiwasan na may mahuling driver ng UBER ngayong isinabatas na ang Anti-Distracting Law, dahil maraming bobong UBER driver. Sa GRAB naman karamihan diyan ay taxi driver mas maraming alam sa kalye. Panawagn ko sa UBER mas mataas ang pasahe ninyo, pero mas maraming bobong drayber sa kalye!

***

Kung hinihigpitan ngayon ng MMDA ang mga UBER o GRAB car na gumagamit ng waze paano ang mga jeepney driver na hindi gumagamit nito? Tulad ng nagbabayad ng pasahe, “Mama bayad!” ‘Di ba nakaiistorbo sa drayber? “Mama sukli ko?” Iaabot ng drayber, di ba istorbo? Ano ang pagkakaiba nito sa istorbong idinudulot ng WAZE?

Siguro dapat may konduktor o tagasingil ng pamasahe ang mga jeepney driver para hindi rin maabala. Naranasan ko na mabangga ng isang pampasaherong jeep na tumatakbo ang makina habang nagsusukli at nagbibilang ng barya ay naiba ang galaw ng makina, hayun bangga ang kotse ko na nasa tamang direksiyon.

Sa MMDA, pag-aralan ninyo ang suhestiyon kong ito!

DRAGON LADY – Amor Virata



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments