IBANG BANSA GINISING NI PANG. DUTERTE SA DROGA

0
29


DUMARAMING bansa ang nagigising ni Pangulong Rodrigo Duterte para lumaban sa droga.

Lalo na sa kakaibang atake sa pagsugpo nito.

Pinakahuli na nagising sa pagkaantok ang Pangulo mismo ng Amerika na si Donald Trump.

Nauna rito, mismong ang bansang Colombia na matagal nang binabalot ng droga ay nagsabing may natutunan sa giyera sa droga sa Pinas.

NATIONAL EMERGENCY

Para kay Trump, isa nang national emergency ang ligal at iligal na droga sa kanyang bayan.

Kaya nga, nagsimula na siyang tukuyin ang mga droga na kanyang pababantayan at lalabanan.

Kabilang sa mga droga na kanyang gigiyerahin ang opioid o pain killers, morphine at fentanyl na kontrolado ng mga doktor ang paggamit habang mayroon din silang mga heroin at shabu.

Para kay Trump, ang mga gumagamit opipid, morphine at fentanyl ang mauuna sa mga ipagagamot ng kanyang pamahalaan.

Lumalabas kasing noon lang 2015, nasa 33,000 ang namatay sa overdose at nasa 100 katao araw-araw naman ang namamatay sa sobrang paggamit ng nasabing mga droga.

Ayon pa kay Trump, hindi lang usapin ng kalusugan ang droga kundi kapayapaan din.

‘Yun bang === maraming kaguluhan at patayan sa kanyang bayan ang nagaganap dahil sa droga.

Sa mahal kong Pinas, lumabas na nasa 60-70 porsyento ng krimen ay may kaugnayan sa droga.

Hindi kaya ganito rin sa Amerika?

BOUNDARY BABAKURAN

Ilang araw matapos manalo sa halalan si Trump, binuhay nito ang plano niyang maglagay ng bakod sa boundary ng Amerika at Mexico.

Ito’y para masawata ang pagpasok ng droga sa kanyang bayan mula sa Mexico na isang narco-state o pinamamahalaan ng mga druglord, narco-politician at iskalawag na pulis.

Ang Amerika ang pangunahing tindahan ng droga ng Mexico. Ang bakod ang magsisilbing harang umano sa ibinibiyaheng droga patungo sa Amerika.

Ngunit natatrapik pagbabakod dahil ipapapasan umano sa Mexico ang gastos dito na ayaw naman ng huli.

Ang Mexico ay namatayan na ng nasa 170,000 sa madugong giyera sa droga sa nakalipas na 10 taon.

ANG COLOMBIA

Ang bansang Colombia ay nagsabing maaaring tularan nila ang Oplan Tokhang natin.

‘Yun bang === Toktok Hangyo na pinairal ni PNP chief Roland dela Rosa.

Kinakatok ang mga sangkot sa droga sa kanilang mga tahanan at pinakikiusapan silang magbago o magpagamot.

Alam nilang mahigit sa isang milyon ang nagsurender sa pamahalaan sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Ayon sa mga taga-Colombia, sa tagal ng kanilang giyera sa droga, wala umanong sumusurender na sangkot sa droga.

Ang ang Oplan Tokhang ang pag-aaralan at pupwede umanong gawin sa kanila.

Marami ang sumurender na sangkot sa droga dahil ang atas sa mga pulis ay hanapin sila at huwag mag-antay ng mga kasong isinasampa saka lang kikilos.

ANG PDEA

Dahil sa pagkontra ng mga politiko na malalaki sa giyera sa droga, at isinasama pa ang mga dayuhan sa paninira sa giyera sa ‘droga ni Pang. Digong, pinabitiwan ng Pangulo sa pulis ang giyera at isinubo rito ang Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa ating pag-unawa, gumagawa na ang PDEA ng mga programang may malakas na epekto sa mamamayan at kabilang dito ang paghahanap sa mga malalaking isda sa droga.

Nauna nang may mga napatay na narco-politicians at nakalas na mga malalaking shabu laboratory nina General Bato dela Rosa at dito nalilinya ang sinasabing prayoridad ng PDEA.

Ngayon nga ay tila nagbubunga naman ang aksyon ng ahensya gaya ng pagsurender ng isang tauhan ng napatay na druglord na si Melvin Odicta at asawa nito.

Ngayon ay nawindang sina Mar Roxas at Senator Frankling Drilon dahil idinamay ang mga ito.

Sina Drilon at Roxas na kritiko sa pulisya at pabor sa PDEA ay todo-angal ngayon at sinasabi nilang ginigipit lang ng pamahalaan ang Liberal Party.

Si Drilon, bilang taga-Iloilo ay pinsan naman ni Mayor Patrick Mabilog na malaking druglord sa Iloilo City.

Kaytagal-tagal nga namang kilalang druglord si Mabilog ngunit nakapagtatakang hindi nalaman at dinisiplina ito ni Drilon at ni Mar Roxas na paboritong sabihin noong kamanpanyahan 2016 na pupwede siyang bumili ng droga kahit saan.

oOo
Anomang reklamo o puna, mangyaring i-text lamang po sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments