I KNOW BETTER!: SYLVIA, LUTANG SA LIGAYA!

0
73


sylvia-sanchez
Sylvia Sanchez

Lutang na lutang daw si Sylvia Sanchez nang kausapin siya ni Reia Tan ng Beaute’ Derm upang gawing endorser ng produkto nilang sabon.

Hindi nga kasi makapaniwala si Sylvia na sa edad niya ngayon, kukunin pa siyang endorser sa pampaganda.

“Wala talaga sa edad ‘yan basta ginusto ng Diyos, may perfect timing na mangyayari at mangyayari. Puro pasasalamat na lang ang nasasabi ko sa Itaas,” say ni Sylvia sa launc­hing niya.

Ayon sa owner na si Reia, tagahanga raw siya ni Sylvia.

“Dati rin po kasi akong taga-media. Nakita ko po siya na napakatagal nang artista. Versatile po niya.

Bida, kontrabida, kayang-kaya po niya. As negosyante po, hindi po ako nanonood ng teleserye dahil busy ka sa trabaho.

“Pero nu’ng dumating po ang The Greatest Love, mas lalo akong humanga sa kanya. Kasi napakagaling po niyang artista. Tapos, it happened lang po. Bigla ko lang siya na-meet through a good friend, si Shyr (Valdez).

“Dahil isa akong fan, na-starstruck ako. Hindi ako komportable nu’ng una ko siyang nakita.

Pero nu’ng nakilala ko siya, hindi siya gaya ng ibang artista na pag lumalabas, de-lipstick, kailangan buo ang kilay niya.

“Si Ate Sylvia po, kahit naka-pajama siya, haharap siya sa tao. Kahit first time ka niyang kakilala, hinahagkan niya. Napakatotoong tao. Pati anak niya, napakagalang.

“Kaya sabi ko, heto na, nakita ko na ang magiging brand ambassador ko. Napagaling na artista, napakabuting ina.

So siya ang napili kong kunin. Isang Sylvia Sanchez ang karapat-dapat maging face ng Beaute’ Derm!” pagmamalaki ni Reia.

Sa edad na 46, ngayon lang nga nakatikim ng unang endorsement si Sylvia kaya naman upang sumabay sa produktong gamit, todo work out at gym siya upang mapanatiling fit naman ang katawan.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments