I KNOW BETTER!: SHARON, BUMIGAY KAY IAN!

0
41


Bumigay na si Sharon Cuneta kay Ian Veneracion. Kung noon ay sinabi niya na ayaw muna niyang magka-crush kay Ian, ngayon ay iba na…

“I am now officially an Ian Veneracion fan!” naghuhimiyaw na tweet ng megastar.

Alam ni Shawie na guwapo, talented actor, guitar-player, sin­ger, painter si Ian kaya nagustuhan ng milyong Pinoy sa buong mundo.

“But it is his heart and kindness and generosity that have touched and caught my heart and he now has my eternal gratitude, appreciation and admiration,” rason ng megastar.

Limang lugar sa US ang venue ng concert tour ni Shawie at tatlo ang guesting ni Ian.

Nasaksihan ng megastar ang sipag at dedikasyon ng aktor sa naiwang trabaho sa Manila kaya ibinanahagi rin niya ito.

Lumipad sa unang leg ng concert si Ian 2 days sa unang guesting niya. Tapos, long drive ang ginawa niya patungong San Francisco para sa second gues­ting niya. Kinabukasan ay bumalik siya ng Maynila at agad dumiretso sa taping.

Nag-taping ng isang linggo at dumating sa US a day before his third guesting at balik-Pinas uli at diretso sa trabaho.

“I must have done something right to deserve such respect and like I said, such generosity and kindness from who is now such a BIG star. All young artistas (and even much older ones) should take a cue from Ian’s attitude and emulate him.

“The audience couldn’t get enough from him, and he was only too happy to indulge them and was so humble and lovable that I know in my heart he is going to have a long, long career in the business. Such sincerity.

“Thank you from the bottom of my heart, Ian. Pag naging team-up tayo, nickname natin pala puedeng “SHARONIAN!” Ha! Ha! Ha! or “Shanian.” Or after Andeng, puede namng Shareng. Hahahaha! Nakakatuwa ka kausap. Feeling ko sasakit lang tiyan natin sa katatawa!

“See you soon! And like I said, you deserve every success you are experiencing now. Am truly, TRULY happy for you!!! Love and hugs, Shawie.”

Sigaw tuloy ng followers ni Sharon, pagsamahin na silang dalawa sa pelikula, huh!

Alden-Maine, magkasama na sa HK!

Hayan, magkakasama na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Hong Kong. Nakuha­nan ng video si Alden sa airport kahapon habang papunta sa terminal gate. Siyempre pa, sa HK ang destinasyon niya para makasama ang Eat Bulaga Dabarkads.

Ngayon lang uli magkakasama sa abroad sina Alden at Meng. Naunang umalis ang Phenomenal Star dahil umapir pa sa Sunday Pinasaya ang Pambansang Bae nu’ng Linggo.

Abang-abang na lang kayo sa matatamis na photos ng mga idolo ninyo, huh!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments