I KNOW BETTER!: Randy, Drew at Onemig, todo-suportado sa ‘ride’ ni Jay! 

0
42


Marso nagtapos ang documentary show ni Jay Taruc na Motorcycle Diaries sa GMA News TV. Napalitan naman ito ng tele-magazine show na Ride PH with Jay Taruc na mapapanood na si­mula sa August 20, 10PM sa GMNTV.

Host at producer si Jay ng bagong show. Halos pareho rin ang konsepto ng bagong show sa luma pero mas focus ito sa motorcycle at bihira sa diaries na tinalakay sa unang programa.

“Let’s say may bagong development sa industriya, may bagong motorsiklo kaya nakita ninyo, nakakalata ang mga magagandang, mamahalin motor. Lu­malaki na kasi ang populasyon ng mga rider.

“Araw-araw, may nakikita tayong aksidente, di ba? Either napipila­yan o namamatay. I guess ‘yung road safety will be our advocacy sa show. Bakit ko nasabi ito?

“Seventeen years na akong rider eh and I ride everyday. Yes, yes, naaksidente na rin ako. Kaya gusto naming mag-offer ng tips sa show, proper riding position,  dapat isuot at the same time iku-cover namin ang local motorcycle culture,” pahayag ni Jay sa launching ng show.

Practicality ang dahilan kung bakit patuloy siyang nagmu-motor. “Nakakatakot but if you learn to handle it properly, magiging advantage mo ito. Mas maagang makakapunta sa meetings mo, sa trabaho. Kailangan mo lang siyang pag-aralan lahat. Gusto rin naming simulan ang disiplina,” rason ng multi-awarded newscaster.

Ilan nga sa dumalo sa press launch na co-riders ni Jay ay sina Randy Santiago, Onemig Bondoc, Drew Arellano at iba pa. Suportado ng Dickies, BMW, Shell Philippines, Spyder, Uratex, Loctite, Big Bike Tech, PTT Oli, Ducati Group at iba pa ang Ride PH with Jay Taruc.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments