I KNOW BETTER!: KAMBAL NA ANAK, DREAM NI JOLINA!

0
61


Jolina, Mark at Pele

Pangarap ni Jolina Magdangal na magkaroon ng anak na kambal. Three years old na kasi ang anak nila ni Mark Escueta na si Pele kaya handa na silang sundan ang panganay.

“Gusto ko kasi ng limang anak. Masaya ‘pag marami kayo, eh.  ‘Yung magkaroon ng kambal ang feel kong mangyari kaya lang, wala sa lahi namin ‘yon,” pahayag ni Jolina sa renewal ng kontrata ng pamilya niya ng Super Twins Premium Baby diapers.

Humarap ang pamilya Escueta, Jolens, Mark at Pele, sa media kasama si Aileen Choi-Go, VP for Marketing ng Megasoft Hygienic Products upang ibalita na ang Escueta family ang mukha ng kanilang produkto.

“Jolina is fashionable just like our Super Twins premium baby diapers and the new Super Twins easy wear baby pants with the fashionable denim design. As a family, Jolina, Mark and Pele personify the qualities of our product,” pahayag ni Miss Aileen.

Ayon kay Jolens, ngayong tatlong taon na si Pele, marunong na ang bata sa pagsuot at pagtanggal ng diapers.

“Pero nandiyan pa rin kami to support him,” saad pa ng host-actress.

Tutok nga ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak nila. Hindi na nga sila nagkakaroon ng chance na mag-date na silang dalawa lang. Ayaw nilang ipaubaya sa iba ang pag-aalaga kay Pele.

Napansin din ni Mark na very observant na ang panganay sa paligid.

“Before, alam ko lang na sobrang observant ni Pele. Curious siya sa mga bagay sa paligid.

Ngayon, nagugulat na lang kami na may words or phrases siyang sasabihin na hindi naman namin tinuturo or ginagamit.

Pati mga kanta, minsan lang niya narinig, naaalala niya at minsan, bigla na lang kakanta kahit tono lang or iba-iba ang lyrics,” sey ni Mark.

Lumalaki rin daw na mapagmahal si Pele.

“Bilang magulang, lahat ng sakripisyo, hard work, patience, pagod, lahat nawawala makita ko lang ‘yung mga ngiti kay Pele.

Lalo na ‘pag lumalapit siya sa ‘yo at yayakap, at magsasabi ng, ‘I love you Papa, Mama.’ It’s all worth it,” rason ni Jolens.

Kim, ‘amazed’ sa Nepal!

Rumampa si Kim Chiu sa Nepal base sa posts niya sa kanyang Instagram account photos. Bahagi ito ng kanyang #KIMadvenChiure.

“Just keep walking…Just keep going…amazed by their culture, the people and what the city looks/feels like!!! #excusedmytwotonedlegs,” caption ng Chinita Princess.

Nakisalamuha rin siya sa mga monk doon at nagbiro pa siya nang mapasyalan ang isang establishment na M.R. CRAFT ang pangalan.

“Magkaibigan kaya si MR CRAFT at si MR RIGHT??? Okey waley!!! Bye!!!”

Sa isang photo, kasama niya ang ilang cast ng horror movie na ginagawa directed by Chito Rono.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments