I KNOW BETTER!: JANELLA-ELMO, ‘SISIRAN’ SA ILALIM NG DAGAT!

0
19


Jewel ang isa pang turing ni Mother Lily kay Janella Salvador bukod sa pagiging Regal Millennial Baby.

Sa biggest break na ibinigay ng Regal kay Janella sa horror movie na Haunted Mansion, ipinamalas niya ang kanyang puwersa sa takilya, huh!

“I feel so rich because of Janella because she’s a jewel to Regal Films,” pahayag ni Mother Lily.

No wonder, muling pinapirma ng mag-inang Lily at Roselle ang binansagan ngayong young superstar ng apat na pelikula nu’ng Martes na magsisimula sa romantic-comedy na So Connected na ididirek ni Jason Paul Laxamana.

“I’m super duper happy to finally renew my contract with Regal,” bungad ni Janella matapos ang contract signing.

Kasalukuyang tinatapos ng young superstar ang romance-fantasy film na My Fairy Tail Love Story with Elmo Magalona.

Ayon kay Roselle, tatapusin nila ang movie at isusumite ng finished film para sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Bilang preparasyon sa role na sirena, nag-aral ng diving lessons si Janella pati na mermaid lessons. Hindi ba siya nahirapan sa sirena na costume niya?

“From the start naman, we made sure naman na hindi siya too revealing coz ayoko pa! Ha! Ha! Ha! I’m shy.

“The costume is really nice. I love the tail. Na-enjoy ko siya talaga sa water,” saad pa niya.
Totoo ba ‘yung tsismis na nasilipan siya dahil sa costume niya?

“Hindi naman natuloy. Muntik lang. Kasi ‘yung unang costume ko sa mermaid, dinidikit lang ‘yung silicone, ‘yung pang-taas. Using silicone, as in dinidikit lang siya.

“When I went underwater, siyempre, ‘yung water at pawis, natanggal ‘yung dikit niya. But before it fell off, sinabihan ko na sila. Hindi natuloy,” sambit ni Janella.

Wala raw siyang naram­damang takot habang lumalangoy sa gitna ng dagat. Mas natakot siya habang nag-aaral ng diving.

“Ang pinakamahirap na part nu’ng pag-uwi ko na. Na-sunburn talaga ako. Sobra. Hindi ko magalaw ang face ko. ‘Yun ang pinakamahirap sa akin,” sey niya.

Kumusta naman sila ni Elmo ngayon after ng nagawa nilang trabaho? Ano na ang status nila?

“Same pa rin. We’re still enjoying our relationship sa work and even off cam. Mas nagiging fami­liar kami sa isa’t is very project.

It’s a difference experience every project kasi nagtutulungan kami. We always make it a point na natutulungan namin ang isa’t isa every project. We are happily working together.

We’re not rushing things,” paliwanag niya.
May sisiran part ba sila ni Elmo sa ilalim ng tubig?

“Ha! Ha! Ha! Abangan natin,” bulalas ng young superstar.

Sa separate interview, idinepensa niya si Elmo sa bintang na siya ang dahilan kung bakit tinalakan siya ng ina na si Jenine Desiderio sa Twitter post nito last July.

“I think mothers are really protective when it comes to their children, so whoever…Kung sino man ang lumapit diyan, gusto nila i-make sure na worthy and all.

She’s just being a mother and she really wants to know him or whoever man,” rason ni Janella.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments