I KNOW BETTER: “HINDI KO GINAWA TO PARA MANIRA, MANAKIT NG TAO!” – JAKE ZYRUS

0
72


Binakbakan ni Ra­quel Pempengco ang anak na si Charice Pempengco a.k.a Jake Zyrus, matapos mapanood ang kuwento ng buhay sa weekly drama anthology ng Channel 2.

“Sinungaling si Cha­rice!” ang naghuhumiyaw niyang pahayag sa interview sa kanya.

Pinalabas kasi sa kuwento ni Jake na winaldas umano ng ina niya ang lahat ng kinita niya nu’ng sumikat siya bilang Charice.

Sa parte naman ni Jake, naglabas siya ng open letter sa kanyang Instagram 12 hours ago habang tinitipa namin ito. In general words ang nakasaad sa post niya pero halatang may pinatatamaan.

“Para sa lahat,

“Gusto kong magpa­salamat. Galing sa puso ko. Sa mga nakakaintindi at sa mga na-inspire.

Maiintindihan ko din ang mga taong hindi nakakaintindi dahil hindi perpekto ang buhay natin.  “Alam ko ang iniisip ng ibang tao.

Hindi ko ito ginawa upang manira, manakit ng tao. Sa ilang taon na sinusubukan kong linisin lagi ang pangalan, pagkatao ko, laging sa huli, ako ang talo.

“Ngayong gabi na ito, pinipili ko ang sarili ko. Ang totoo. Gusto ko pong sabihin sa inyo na ‘wag po kayong magtatanim ng sama ng loob sa aking pamil­ya. Hindi ito ang mensahe na pinapadala ko po.

“Sana ay ang makuha po ninyo ay ang maintindihan ang lahat, mahalin ang kapwa, irespeto at tanggapin natin sila kahit hindi natin sila mainintindihan.”

BISTEK, GINAWARAN NG ‘FPJ LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD…’

Herbert Bautista
Herbert Bautista

Ginawaran si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng Fernando Poe, Jr. Lifetime Achievement Award sa ginanap na 35th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines last Saturday, August 26, sa The Plaza, Resorts World Hotel & Casino.

Sa write up kay Mayor Herbert sa souvenir program ng FAP, nakasaad doon ang achievements niya bilang artista sa murang edad, ang pagtanggap ng Best Actor Award sa Manananggal episode ng Shake, Rattle & Roll 1 at ang daang tinahak niya sa pulitika, mula sa pagiging konsehal ng QC simula nu’ng 1992, hanggang sa ma-elect bilang pinakabatang Vice Mayor at ngayon nga, bilang Mayor ng QC sa ikatlong termino niya.

Binigyang halaga rin ang pagbuo ng QC Film Development Council noong taong 2012 at pagsasagawa ng taunang QC Film Festival. Si Mayor HB rin ang nag-sponsor ng special award sa MMFF para sa pelikula na may gender equality theme.

Malapit sa puso ni Mayor Herbert ang FPJ Lifetime Achievement Award dahil ang namayapa niyang ama na si Konsehal Herminio (Butch) Bautista ay malapit sa namayapang Action King.

Congratulations, Mayor Bistek!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments