I KNOW BETTER!: ‘BEAUTY’ NI PAOLO B., MAPAPANOOD SA MGA SINEHAN SA JAPAN!

0
50


Paolo Ballesteros

Ipapalabas sa Japan ang pelikulang Die Beautiful sa July 22. Na-dub na sa Japanese ang trailer nito na napapanood na sa TV shows roon.

Kahit nasa Amsterdam pa ang director nitong si Jun Lana, nagpaunlak siya ng dalawang interviews via video call. Ang bida namang si Paolo Ballesteros, nagbigay ng video message.

Tanging ang partner ni Lana na si Direk Perci Intalan ang tumungo sa Tokyo para tumulong sa promotions ng movie. Ni-regram ito ni Direk Jun sa kanyang Instagram.

“It’s so surreal being here to do promo interviews! More interviews tomorrow…

“The Japan team and I went to a restaurant in Nakano for dinner and the guy working there knew about Die Beautiful already. Nakaka-proud! #IdeaFirst #Die BeautifulJAPAN #MabuhayAngPelikulangPilipino,” caption ni Direk Perci.

Komento naman ni @ms.eugenedomingo “Woot woot!!! Japan loves you so much!!!”

Sa pelikulang ito nanalo ng Best Actor sa Tokyo Film Festival si Paolo at binigyan din ng special award ang movie. Top grosser ito nu’ng 2016 Metro Manila Film Festival at hinirang ding Best Actor si Pochoy (Paolo).

Sa darating na The Eddys (Entertainment Editors’ Award), isa sa nominado si Paolo bilang Best Actor.

Regine, pasiklab ang concert!

Pasiklab ang pagbabalik ni Regine Velasquez-Alcasid sa Viva bilang bahagi ng 30 years niya sa showbiz – isang grand concert at three-volume na album, huh!

Ang Viva ang unang humasa kay Regine bilang singer. Pumatok ang una niyang single na Urong Sulong na sinundan ng Isang Lahi na theme song ng movie na Gabi Na Kumander.

Tinagurian siyang Asia’s Songbird dahil nagsunud-sunod ang hits niya gaya ng On The Wings of Love, Kung Maibabalik Ko Lang, Dadalhin, Ikaw at marami pang iba.

Naging favorite leading lady naman siya nang isabak sa pelikula. Ipinareha muna siya kay Christopher de Leon sa Wanted Perfect Mother kung saan super-hit ang theme song na kinanta niya, ang You Are My Song.

Sinundan ‘yon ng blockbusters na Kaila­ngan Ko’y Ikaw with Robin Padilla, Ikaw Lamang Hanggang Ngayon with Richard Gomez at Of All The Things with Aga Muhlach.

Pagdating naman sa concert scene, isa si Reg sa nangungunang concert artist at pagdating sa abroad, nakapag-perform na siya sa Carnegie Hall sa New York City.

Bilang pasasalamat sa kanyang fans, pabulosang concert ang gagawin niya sa October 21, 2017 sa Mall of Asia Arena, ang R3.0. Ito rin ang magi­ging title ng album niyang maglalaman ng bagong bersyon ng kanyang best sellers, personal favorite at original composition ng Pinoy composers.

Para sa tickets ng R3.0, tumawag sa VIVA LIVE – Concerts sa 687-7236.

Tumabi-tabi muna ang ilang concert artists diyan dahil narito na ang Asia’s Song Bird!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments