I KNOW BETTER!: ALDEN, NAMIGAY NG SCHOOL SUPPLIES!

0
118


Alden

Personal na namigay si Alden Richards ng bags at school supplies sa ilang mag-aaral sa isang eskuwela­han sa Santa Rosa, Laguna. Siyempre, naging fans day rin ang okasyon na ‘yon dahil nagkaroon din ng libreng pa-selfie at pa-groupfie ang Pambansang Bae sa mga bata at teacher, huh!

Bukod sa personal na pagbigay ng school supplies ni Alden, nangunguna rin ang Eat Bulaga sa paghingi ng isang lapis, isang papel, para kanilang ipamimigay sa mga batang nangangailangan ng gamit sa pag-aaral.

 

MATTEO, PROUD SA ‘GANDA’ NI SARAH!

Pinakawalan ni Lea Salonga sa tweet niya ang lubos na paghanga sa kagandahan ni Sarah Geronimo.

“Dear @JustSarahG, why so pretty?” tweet ni Lea.

Eh, kilalang prangka si Lea, so walang halong kaplastikan ang tweet niyang ‘yon para kay Sarah.

Hindi si Sarah ang tumugon sa tweet ni Lea kundi ang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

“Yes ma’am,” reply ng boyfriend ni SG.

Natuwa naman si Lea sa sagot ni Matteo. “@matteoguidicelli @JustSarahG, Glad you approve of this message! How are you doing?”

Siyempre, in love at tahimik ang mundo ni Sarah ngayon, kaya blooming na blooming ang beauty, huh!

CARLA-TOM, NON-STOP ANG LAMBINGAN!

Bumilib si Janno Gibbs sa version ni Tom Rodriguez ng pinasikat na kanta ng una, ang ‘Fallin’.

Ang nasabing kanta ang theme song ng coming GMA series na I Heart Davao.

Hilig din ni Tom ang pagkanta. In fact, ‘yung album nila ni Dennis Trillo after ng pinagsamahang series na My Husband’s Lover eh nag-hit sa tao.

Napanood namin ang nakakakilig na boses ng Kapuso actor sa Facebook kung saan tumayong voice coach niya si Nikko Manguba ng grupong T.O.P. Siyempre, inspirado si Tom lalo na’t kapareha niya sa programa ang girlfriend na si Carla Abellana.

Sa IHD, non-stop ang paglalambingan nina Carla at Tom kaya tiyak na magbubunyi ang kanilang fans, huh!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments