I KNOW BETTER!: Admirer ni Erich pinutakte sa social media

0
44


Trending topic sa Twitter nu’ng Lunes ang hashtag na #ERICH. Siyempre pa, si Erich Gonzales ang usapan dahil may kaugnayan ang Instagram post ng isang Xian Gaza na isang batang negosyante na naka-base sa Hong Kong.

Base sa komento ng ilang gumamit ng hashtag, kinawawa nila ang lalaki na inaambisyong maka-coffee date ang aktres.

Nagpagawa pa kasi ng billboard sa Morayta, Sampaloc ang guy sa hangad na matugunan ng positibong sagot mula kay Erich.

“Creepy” nga ang pahayag ng isang nagkomento sa hiling ni Gaza. Hindi lang daw paghanga ang naramdaman nila sa lalaki kundi parang obsessed sa aktres.

Base kasi sa post ni Xian, na nakipag-selfie kay Erich nang makasabay niya sa panonood ng foreign movie, hindi na ito nawala sa isipan niya.

Sa panig naman ni Erich, nagkomento naman siya sa invitation ng young millionaire pero sa pamamagitan ng kaibigang si Darla Sauler na nagsulat ng article tungkol sa post ni Xian.

“Ang cute ng effort ni Kuya. It’s fine. Let’s see when I get back. There’s nothing wrong naman if we talk over coffee, pero dapat kasama ka! Ha! Ha! Ha! See you soon Darls.”

Dahil sa ginawa, pinagbintangan pa si Xian na umano ay ginagamit si Erich para sa isang business strategy na itinanggi niya.

Naku, hayaan nating si Erich ang magdesisyon sa invitation sa kanya. Hindi naman bobita o tanga ang aktres para malaman kung may masamang intensyon ang binata na isang single parent, huh!

At least, kayang buhayin ni Xian si Erich kung sakaling magustuhan niya ang non-showbiz guy, huh!

Kris Bernal level up sa Impostora

Todo ang pasasalamat ni Kris Bernal sa nag-abang sa unang telecast ng GMA afternoon series niyang Impostora.

Lalo siyang natuwa nang makita ang post nina Marc Abaya at Rodjun Cruz na sumusuporta sa kanyang programa.

Series kasi nina Marc at Rondjun ang pinalitan ng series ni Kris, ang Legally. Kaya ang dalawang Kapuso actors, hinikayat din ang viewers na panoorin ang Impostora ni Kris.

Sa unang episode kasi, pasa­bog agad ang ginawa ng Kapuso actress. Level up hindi lang ang arte niya kung ‘di maging ang effortless niyang deli­very ng linya bilang si Nimfa.

Eh ‘yung pangit na Kris bilang Rosette, attention getter ang kanyang mukha talaga!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments