HUWAG ITULAD SI DU30 KAY ERAP

0
64


HINDI man lubos na magkatulad ay halos magkawangis naman ang kapalaran ni Pang. Rodrigo Roa Duterte at dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada dahil kapwa sila biktima ng mga taong ang interes ay pansarili lamang.

Si Pang. Duterte ay naging alkalde ng lungsod ng Davao habang si Estrada ay naging alkalde ng San Juan sa loob ng maraming taon kaya halos batid na nila ang pangangailangan ng kanilang bayan at ng mga mamamayan.

Hindi naging mahirap lapitan si Presidente Digong, lalo na ng kanyang mga kababayang nangangailangan at galit siya sa mga politikong abusado at mga manggagamit, lalo na ang mga sangkot sa iligal na gawain partikular ang droga.

Maraming nasagasaan ang kasalukuyang Pangulo, lalo na ang mga nakikinabang sa iligal na droga, sa kanyang pinalakas na kampanya upang masugpo ito at maging ang mga tiwali noong nakaraang administraston. Ito ang dahilan kaya pilit siyang pinababagsak ng mga nagtuturing sa kanyang malaking hadlang at matinding kalaban.

Kaya nga nang magkagulo sa Marawi City habang si Pang. Du30 ay nasa pagbisita sa Russia kasama ang iba pang matataas na opisyal ng Pilipinas, sinamantala naman ng mga kalaban sa politika na sa halip na pakalmahin ang isip ng mamamayan ay mas lalong itong pinatindi ang pangamba sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng social media.

Pinalalabas ng mga kalaban na pakana ni Pang. Duterte o scenario lang ang nagaganap sa Marawi City upang makapagdeklara ito ng Martial Law. Buhay, ari-arian, kapayapaan at kaayusan ang pinag uusapan sa gulo sa Marawi, bakit naman kailangang gawin pa itong palabas lang?

Ang totoo nito, sinusubukan nila ang Pangulo na magbaba ng batas militar na kung hindi gagawin ay tiyak na may masasabi rin silang mga ‘di kaanib ng Palasyo. Tiyak palalabasin nila na walang isang salita ang president na “hindi kayang panindigan ang kanyang binitiwang salita na huwag siyang pilitin.”

Ganyan din ang ginawa nila kay dating Pang. Joseph Estrada na ngayon ay nahalal na alkalde ng Maynila matapos magdusa dahil sa kawalanghiyaan ng mga makasarili at walang utang na loob na politiko. Nagsama-sama ang mga negosyante at politikong batid na ‘di sila makikinabang kay Pang. Estrada kaya isinagawa ang “People Power II” at dahil ayaw ni Erap na may magbuwis pa ng buhay at marami ang masugatan, mas ninais niyang bumaba sa puwesto sa Malakanyang.

Nagsakripisyo si Mayor Erap, nakulong, nagdusa subalit sa bandang huli ay lumabas ang katotohanan na biktima siya kaya. PAKUROT/LEA BOTONES

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments