HOY HUKAY! – Remate

0
54


SA tuwing maaalala ko ang Maynilad Water Services, Inc. na pinamumunuan pa naman ng kapita-pitagang President/CEO na si Mr. Romancito Fernandez ang kasunod na maalala ko ay ang iniwanang nakatiwangwang na mga hukay sa mga kalsada .

Ginagastusan ng milyong-milyong piso mula sa pondo ng gobyerno ang mga kalsada para lang mabigyan ng maayos na daraanan ang mga motorista sa kani-kanilang mga destinasyon.

Pero ang masakit rito,ang lintik na walang habas na pagwasak sa mga matitinong mga kalsada o kalye na iniwanang nakatiwangwang ng Maynilad Water Services, Inc. ang makikita natin.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit tila ang Department of Public Works and Highway at Metropolitan Manila Development Authority ay nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa mga ganitong pang-aabuso at paglalapastangan ng Maynilad sa mga kalsada ng Kalakhang Maynila.

Eksampol na lang, ang ginawa ng Maynilad sa F.P. Yuseco na dating Raxabago St. sa halos mahigit sa dalawang taon na nakatiwawang ang mga hinukay ng Maynilad matapos maibaon ng mga ito ang mga malalaking sewerage pipeline.

Ang nakabubuwisit rito, hanggang ngayon ay nakatiwangwang pa rin ang mga hinukay ng Maynilad kaya kaliwa’t kanan pa rin ang usad pagong na daloy ng trapiko sa F.P. Yuseco.

Hindi dapat naging pabaya ang Maynilad sa kanilang ginagawang proyekto, partickular na sa F.P. Yuseco St. na dati-rating daanan ng mga cargo truck na nanggagaling mula sa Pier.

Kung hindi rin na sinala-hula ng Maynilad Water Services, Inc. ang paghuhukay sa mga kalsada, malaki sana ang maibibigay nitong ginhawa sa mga motorista na dumaraan sa nasabing kalsada.

Hoy, Maynilad Services, Inc., ayusin ninyo ‘yung hinukay ninyo. Tangna n’yo.

MGA FG AT VK SA SAN PEDRO NAKATIMBRE

Habang patuloy ang kampanya kontra illegal drugs sa San Pedro, Laguna ay patuloy naman sa operasyon ng fruit game at video karera nitong si alyas Bae.

Ipinagmamalaki ni Bae na nakatimbre siya kay San Pedro Chief of Police Supt. Zeric Soriano.

Toto ba ito hepe?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 091898274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments