Horoscope – 01/06/2018

19


ARIES (March 21-April 19) – Isang taong malapit sa iyo ang mangangailangan ng iyong atensyon. Huwag ipagkait ang iyong panahon. Ngayon niya higit kailangan ang iyong pagdamay. Lucky number for today: 39

TAURUS (April 20-May 20) – Isang matagal mo nang pinapangarap ang mananatiling mailap. Posibleng makaramdam ka ng pagkapagod. Sa kabila nito, hindi dapat sumuko. Maghintay pa ng tamang pagkakataon. Lucky number for today: 11

GEMINI (May 21-June20) – Isang kapa­milya ang magkakaroon ng problema at kakaila­nganin niya ang iyong pag-alalay. Posible rin itong makagulo sa mga plano mo sa iyong career. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Isang usaping may kinalaman sa iyong career ang kailangang mong resolbahin. Hindi rin malayong pumasok ang mga pagdududa. Huwag magpanik, lilipas din ang mga kalituhan. Lucky number for today: 30

LEO (July 23-August 22) – Isang lakad ang puwedeng ma-postponed at maaaring mag-ugat ito sa usapin sa pera. Huwag panghinaan ng loob, pansa­mantala lamang ang pagkaantala. Malalagpasan din ang lahat ng ito. Lucky number for today: 8

VIRGO (August 23-September 22) – Kailangang manaig ngayon ang iyong self-control. Hindi makakatulong ang pagpatol sa mga bugso ng emosyon. Habaan pa ang pasensya. Lucky number for today: 17

LIBRA (September 23- October 22) – Posibleng hindi maganda ang mood ng isang partner, sa trabaho man o sa romansa. Nanggagaling ang isyu  sa mga nararamdamang insecurities. Pag-usapan ito bago tuluyang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Lucky number for today: 6

SCORPIO (October 23-November 21) – Mailap ngayon ang mga ins­pirasyon at posibleng makaapekto ito sa trabaho. Huwag magmadali, hindi naman permanente ang aberyang ito. Kailangan mo lamang na mag-adjust. Lucky number for today: 19 

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – May kailangan kang gawin para sa isang kaibigan at hindi ka komportable rito. Gayunpaman, hindi mo dapat iwanan sa ere ang kaibigang ito. Huwag kalimutan ang inyong mahabang pinagsamahan. Lucky number for today: 29

CAPRICORN (December 22-January 19) – Posibleng makaramdam ng pananamlay sa hindi malamang dahilan. Huwag nang pagurin ang sarili sa paghahanap ng rason. Gamitin na lamang ang araw na ito para irelaks ang isip at katawan para tuluyang makabawi. Lucky number for today: 21

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang kaibigan na matagal nang hindi nagpaparamdam ang gagawa ng paraan para makipagkomunikasyon. May importanteng impormasyon na dapat niyong pag-usapan. Bigyan siya ng sapat na panahon. Lucky number for today: 1

PISCES (February 19-March 20) – Posibleng may pagbisitang mangyari ngayong araw na ito. Magbubukas ito ng bagong opsyon para sa iyo. Pag-aralang mabuti kung ito na ang hinihintay mong oportunidad. Lucky number for today: 30

The post Horoscope – 01/06/2018 appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments