HORN AYAW SA PILIPINAS –

0
67


May rematch clause sa kontrata nina Manny Pacquiao at Jeff Horn.

At handa rin si Top Rank promoter Bob Arum na isagawa ito.

Ayon kay Arum, nakalatag rin sa kontrata na ang Brisbane ang prayo­ridad na lugar sakaling magkaroon ng rematch.

Pero, ang kumbinsihin ang bagong kampeong si Horn na idepensa ang WBO welterweight crown sa Pilipinas ay malaking katanungan.

Sa panayam kay Horn matapos ang kontrobersyal na unanimous decision win kay Pacquiao noong Linggo (Manila time), mas gusto niyang sa Australia ganapin ang mga susunod niyang laban, kasama na ang rematch.

Hindi man tahasang inayawan ng 29-anyos na dating school teacher ang pagdayo sa Pilipinas, ipinarating niyang suportado naman siya ng Australian government sakaling doon muli gawin ang kanyang laban.

“I don’t know,” ani Horn. “I would rather, I guess if we can, get all the fights over here and have them in Australia, and have some big fights and make it alive over here again, boxing. So it’s up to Top Rank and Duco Events to kind of arrange and see what’s worth doing, with obviously the government of Australia behind us.”

Ang nasabing 12-round battle ay sinaksihan ng 51,052 katao, na halos pumuno sa may 55,000-seater Suncorp Stadium.

Nauna nang nabanggit ni Pacquiao na kung magre-rematch sila ni Horn ay gawin ito sa Pilipinas.

Si Pacquiao ay hu­ling lumaban sa Pilipinas noong 2006 nang talunin si Oscar Larios sa Araneta Coliseum.

Gayunpaman, sinabi ni trainer Freddie Roach na wala siyang nakikitang problema kung sa Austra­lia muli gawin ang laban.

“I don’t see any reason why we can’t come back here,” komento ni Roach. “I mean, the thing is I think we can draw another huge crowd. That’s good for boxing.”



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments