Hiro battles the bulge | Tempo

0
50


By Ruel J. Mendoza

Marami ang nakapansin sa biglang pagbilog ng Katawan ng Kapuso actor na si Hiro Peralta.

Inamin ng actor na may ginagawa na raw siya para bumalik sa dati ang Katawan niya.

“Mahirap pala if you’re battling with the bulge.

“I used to be so conscious with my body. Panay ang workout ko noon.

“Ngayon, I have to work double time to loose weight or else, baka mga father roles na ang ibigay sa akin!” tawa pa niya.

Napapakain daw si Hiro ng Husto dahil sa segment ng “Unang Hirit” kun saan kasama niya sina Love Anover at Juancho Trivino.

Parati raw kasi silang nasa fiesta at sa mga lugar na may mga kakaibang pagkain, kaya walang choice si Hiro kundi ang kumain ng marami.

“Siyempre po dahil sa haba ng biyahe, mapapakain ka ng marami pagdating mo doon.Titikman mo lahat ng hinanda nila.

“Kaya sobra ang pag-gain ko ng weight kasi ang sarap pong kumain.

“Mabuti na lang po when we shot the movie “This Time I’ll Be Sweeter,” hindi pa ako ganito kataba. Kaya magugulat na lang sila sa difference ng Katawan ko ngayon at sa movie.

“Tapos may food business pa kami ng kapatid ko, kaya all the more na napapakain ako.

“But I am trying to focus on losing weight. I’m on a strict diet now. Natuto na akong umiwas sa maraming food,” diin pa niya.

Wala na raw kontrata sa GMA Artist Center si Hiro, pero patuloy pa rin siyang binibigyan ng mga guestings.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/11/01/hiro-battles-the-bulge/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments