HIRIT NA: UPDATE PHILWEB –

0
76


Puwede bang mag-operate na ang PhilWeb Corp. kahit ang hawak lamang nila ay ‘provisional accreditation’. 

Ang PhilWeb Corporation ay isang Philippine internet company na ang negosyo ay tungkol sa ope­rasyon e-gaming o mga sugal na nalalaro sa on-line. 

Magugunita na ang PhilWeb, na dating pagmamay-ari ng negosyanteng si Roberto ‘Bobby’ ­Ongpin, ay ibinenta na kay Gregorio Araneta, Inc. (GA, Inc.) sa hala­gang p118.5 million shares (P2.60/sapi).

Si Ongpin ay isa sa naapektuhan sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa mga oligarkiya dahil sa pagmonopolyo ng mga e-games o mga internet gamblings.??

Matapos ang ilang buwan na apila sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang PhilWeb ay matagumpay na nakakuha ng Provisional Certificate of ­Accreditation bilang Electronic Gaming System (EGS) ­service provider.

Bilang isang accredited EGS service provider, maaari nang magsimula ang PhilWeb na mag-alok ng kanilang mga software at iba pang serbisyo sa iba pang lisensyadong operator ng e-games.

Ang PhilWeb kasi ang nasa likod sa mga internet cafe na eksklusibo lang para sa may 300 casino games kabilang ang baccarat, blackjack, iba’t ibang slot machine games, video poker at sports betting.

Sa tala ng kinauukulan, may 287 e-Games cafes sa buong bansa, kung saan karamihan sa mga ito ay pag-aari ng 131 independent na mga negosyante.

Ngunit ang ibinigay lamang ng PAGCOR sa PhilWeb ay ‘provisional accreditation’ at hindi ang tinatawag na Intellectual Property License and Management Agreement o IPMLA.

Nilinaw nang tanggapan ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo na kung may hawak na accreditation ang ­PhilWeb, puwede na silang sumali sa public bidding ng ahensiya.

Ito ay para madetermina kung sino ang dapat maging service ­provider sa mga internet cafe para sa e-gamings batay sa ­Republic Act 9184.

Ngayon kapag ang kumpanya ay napagkakalooban ng ­provisional accreditation ng PAGCOR, hindi ito nangangahulugan na maaari na silang mag-operate muli.

Mali umano ang pagtaya ng PhilWeb sa ‘provisional ­accreditation’ matapos na ihayag na maaari na silang ­bumalik sa operasyon.

Ang isa pang dapat na malinawan, ang ‘license to ­operate’ ba ng PhilWeb para sa kanilang internet service sa e-games at mga online casinos ay hindi na kailangang dumaan sa ­Kongreso?

Muli, ayon sa PAGCOR, ang provisional accreditation na hawak ng PhilWeb ay hindi katulad ng isang ‘license to ­operate’.

Kailangan pa rin sila na isailalim sa bidding at malaman kung anong kompanya ang dapat maging service ­provider sa online gaming.

BALITAWIT:

IKAW (awiting pinasikat ni Sharon Cuneta)

(Tungkol sa palitan ng maanghang na salita sa pagitan ni P. Digong at Sen. Antonio Trillanes)

P. Digong: “Ikaw ang mukha ay kay kapal
Tugon sa yo’y garapal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
Ang sisiraan ko’y ikaw
Ikaw may yamang itinatago..
Off shores ang tawag dito…
Hala humanda ka na ngayon
Lalantad ko ang ‘yong milyon..
Ang wawasakin ko’y ikaw

REFRAIN: 

Ang lahat ng iyong deposito…
Pabubuksan sa mga bangko
Kung may tinik sa akin na wow na wow!
Walang iba kundi ikaw
Kulang ang oras sa yong kasamaan
Upang bawat banat mo..
Pati tato ng anak ko
Sana’y matanggal na ikaw.”



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments