HIRIT NA: Si Jinggoy at si Sereno

0
51


Inaasahang nasa sa kanyang bahay na si dating Sen. ­Jinggoy Estrada matapos makapaglagak ng piyansa sa Sandiganbayan para sa kanyang pansamantalang ­kalayaan.

Asahan na rin na tataas ang kilay ni dating Justice Leila De Lima, ang kanilang jailer, sa deve­lop­ment na ito. Si De Lima ay kasalukuyang nakakulong din sa Camp Crame.

Patuloy na kinukuwestyon ng kampo ni Estrada kung bakit sila lang tatlo nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Bong Revilla ang pinakulong ni De Lima at hindi ang mga promotor ng PDAF Scam, tulad ni dating Budget Sec. Butch Abad.

BALITAWIT

JINGGOY HOY (sa tono ng Jingle Bells)
Dashing through the court
Si Sen, kanyang escort
Anytime he’ll go
Laughing all the way
Kay tagal na rin
Sa pork ay nadiin
What fun it is to laugh and sing
Pati si Janet Lim… Ho !

REFRAIN:

Jingoy hoy, Jingoy hoy
Free na all the way
Oh, what fun na maka-bail…
In a one horse open sleigh
Jingoy hoy, Jingoy hoy
Free na all the way
Oh, what fun na maka-bail
In a one horse open sleigh
Kaya itong si Bong…
Sobrang saya ngayon,
And soon siya na ang next
Sa crame’y aalis
Mayroong naiinis
Na dalawang Justice
Pati na ang  nag-akusa
Ang ngalan niya’y Leila…

REFRAIN:

Jingoy hoy, Jingoy hoy
Free na all the way
Oh, what fun na maka-bail
In a one horse open sleigh
Jingoy hoy, Jingoy hoy
Free na all the way
Oh, what fun na maka-bail
In a one horse open sleigh
Samantala, tila mas mauuna pang makarating sa Senado ang impeachment complaint ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kumpara kay Comelec Chairman Andy Bautista.
Ito ay matapos na masuri na may sufficient in form at ­substance ang reklamo kay Sereno.

HARANA (Parokya ni Edgar)

Kaso mo nga Ms. Sereno
Marahil ikaw ay nalilito..
Sino ba ‘tong nag-reklamo
Nagkandarapa sa pagsampa
Ng kasong impeachment sa Kamara
Merong sapat na ebidensiya
Ang luho mo sa ibang bansa
At nariyan pa ang ‘yong serbis
Nakaporma at bullet proof, 
Sa gastusing aabot, higit sa tatlong milyon.. 

[Chorus]

Puno ang galit sa silid…
Ng congressman na mahangin
Sa’yong tingin ika’y nababaliw, giliw
At sa impeachment mong ito
Ng mga kaaway mo…
Ibubuhos nila ang buong boto mo
Agad-agad makarating sa Senado..
Hindi ba’t parang isang sine
Isang pelikulang pang-comedy..
Hindi ba’t ikaw ang bidang artista 
Si Digong ang kokontra
Sa istoryang magwawakas lalayas ka sa Faura..
Lord kayo na po bahala



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments