HIRIT NA!: ‘Sang taon ni Digong

0
89


Isang taon nang iniluklok ng ­nakararaming mamamayang Pilipino­ si Rodrigo Roa Duterte sa Malakanyang.

Sa kanyang mga ipinangako noong kampanya, lalo na sa kampanya sa ilegal na droga, ang hanggang ngayon ay patuloy niyang ­isinasakatuparan.

Bagama’t anim na buwan ang una niyang pangako para tuluyang masawata ang illegal drug operation, nagulat siya sa lawak ng problema at humiling ng karagdagan pang panahon.

Patuloy ang suporta sa kanya ng publiko kahit pa pinupuna ang kanyang istilo ng iba’t ibang bansa.

Pero ang problema ng trapiko sa Metro Manila ang tila ­kulelat kung solusyon ang pag-uusapan.

Hindi pa rin nararamdaman ang drastikong hakbangin sa MRT, ang phase out ng mga pampublikong jeepney at ang ­dagdag na araw para sa number coding.

Pero sa ngayon, ang kanyang kalusugan ang binabantayan ‘di lang ng publiko kundi ng kanyang kritiko.

Patuloy nating ipagdasal si Pangulong Digong na matupad niya ang mabuting hangarin sa bansa.

Lumang Tugtugin ng Apo Hiking Society

I
Kahit saan ka man
Iyon at iyon na lang…
Sari-saring batikusan
Mga lumang at bagong himig
Ngunit isa lang ang paborito
Nang kandidatong nanalo
Masarap madaling sisihin…
Ang lumang tugtugin

II
May banat para sa droga
May banat na puro mura
May tungkol sa mga pinatay
Iniutos lahat ay damay
Ngunit ang madaling sabayan
Lalo na kung pumapalpak ‘yan
Simple lang at alam na natin
Mga lumang tugtugin

Refrain I
(Pamulinawen) Ang mga dilawan…
Madaling sabayan oo
Lumang tugtugin…
(Atin cu pung singsing) Asin natin may tax.
Masakit pakinggan oo
Lumang tutugin
(Leron Leron Sinta) Meron, pa rin kotong,
Madaling sabayan oo
Lumang tugtugin

III
Talagang masarap pakinggan…
Lalo na kung nagmumurahan…
Simple lang at alam na natin
Ang lumang tugtugin

IV
Kahit na dito sa atin
O kaya sa probinsiya
Mga lumang problema
Mahirap malimutan
Mga lumang tugtugin

(Repeat II)
May banat na para sa droga
May banat na puro mura
May tungkol sa mga pinatay
Iniutos lahat ay damay
Ngunit ang madaling sabayan
Lalo na kung pumapalpak ‘yan
Simple lang at alam na natin
Mga lumang tugtugin

Refrain II
(Sitsiritsit alibangbang)
“Grabeng trapik sa Alabang”
Kay pangit pakinggan oo
Lumang tugtugin
(Bahay Kubo)
“Bahay Toro”
Mayroon pa ba niyan? oo
Lumang tugtugin
(Nag-lipstick ka nang nag-lipstick, di ka naman nag-brush your teeth)
“Nag-accuse ka nang nag-accuse,
Ang info mo nama’y fake news”
Masarap pakinggan oo
Lumang tugtugin
(Happy Birthday to you)
“May Maute ditto”
Madaling ikalat oo
Lumang tugtugin
(Balot, Penoy)
“Bato, Kayo!!!”
May tokhang naman oo
Lumang tugtugin
(Pen pen de sarapen
De kutsilyo de almasin
Haw haw de carabao batuten
Sipit namimilipit
Gintong pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat)
“BENG! BENG! ME BARILEN!
DE KUTSILYO! NENLEBEN YEN!
HAW HAW ME NAGMAMAW BALUTEN
DROGA AY NAKAIPIT
SHABU SHABU NAMUMULAKLAK
SA TABI NG TULAK!

Coda
Madaling sabayan oo
Lumang tugtugin
Mga kababayan ko
Masarap pakinggan

(Faded)



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments