HIRIT NA!: Martial Law ni Digong

0
103


Nagdeklara ng Batas Militar si Pangulong Duterte sa buong isla ng Mindanao, matapos na sumiklab ang kaguluhan sa Marawi City sa pangunguna ng Maute Group.

Bagama’t may mga tutol, paliwanag ni Duterte na ito ay para sa interes ng bansa.

Ayon pa sa Palasyo ng Malacañang, sapat ang mga safety nets sa probisyon ng Saligang Batas para ‘di na maulit ang umano’y pang-aabuso sa implementasyon ng Batas Militar noong rehimeng Marcos.

Sama-sama nating awiting ang BALITAWIT natin na may kaugnayan sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

I.
PAG NAKIKITA SI DE LIMA
(‘Pag nananalo ang Ginebra)

Sinusundan ko ang bawat tagpo
Ng MAUTE GROUP na naghihingalo
Sa bawat balang binibitaw
‘Di mapigilang mapapasigaw
Mga checkpoint sa bawat kalye
Sakit sa ulo ‘tong mga rebelde!!!
O San Miguel, Santa Lucia
Sana manalo ang ating tropa!!!

Ang mga tao sigaw ay tulong
Nagsisiksikan hanggang bubong
Nagsisilikas ipit sa gulo…
Sa paglusob ng mga sundalo
Mga barangay walang katao-tao,
Dalawang araw nang Martial Law…
Dumarami ang mga eksperto
Matatalino at kritiko!!!
REFRAIN:
Pagbigyan n’yo na ito…
Paminsan-minsan lamang po…
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan n’yo na ito…
Munting hiling ni Rodrigo
Kung hindi baka mag-away pa tayo
II.
Nang 2nd day ay mag-umpisa
Sabi palpak ang intel nila
Offensive na sabi ni Año
Under control, ani Arevalo
Sabi ni Carlos ay walang ISIS
Meron, binanggit ng ilang beses
Habang kausap niya si Putin…
Utos ang ISIS ay lusubin!
Mga kilos ay nasupalpal
Defense nila ay puro daldal
Parang gumuho kanilang daigdig
Nang makorner at malupig…
Ang opensiba ‘wag mag-urong sulong
Pulis, sundalo ay magtulung-tulong
Kunsumisyon ay nagpatung-patong
Pulbusin ang MAUTE, utos ni Digong
REFRAIN 2:
Pagbigyan n’yo na ito…
Paminsan-minsan lamang po…
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan n’yo na ito…
Munting hiling ni Rodrigo
Kung hindi baka mag-away pa tayo

Mga bangkay ay dumadami
ang kalaban nasa Marawi
Dumidilim ang kanyang paningin
Pati tenga niya ay nagpapanting
Bumabalik sa kanyang isip
Ang kampanya niya kontra adik
Parang gusto ko nang magkagiyera
‘Pag nakikita si De Lima
Galit siya sa mga pasista
Galit siya sa imperyalista
Feel na feel niyang maging aktibista
‘Pag nakikita si De Lima

Narito ang ikalawang balitawit natin kaugnay ng matitibay na mga desisyon ni Pangulong Digong sa Martial Law.

PUSONG DIGONG (PUSONG BATO)

Nang ako ay maupo
Ang pangako ay pagbabago
Akala ko parang langit
‘Yun pala’y sakit ng ulo

Sabi ko noon sa inyo…
Ang buhay n’yo’y mababago
O ayan may Martial Law..
Hindi ako nagbibiro

REFRAIN:
Grupong Maute dahil sa inyo
Daming ‘di makakain
‘Di rin makatulog
Buhat nang inyong lusubin
‘Wag na ‘wag n’yong hamunin
Kayo’y aking papatayin,
Subukan n’yo aking pusong bato

Kahit sa’n kayo ngayon
Hahabulin ng tropa namin
Baka sakali na magising
Ang marahas n’yong damdamin

REFRAIN:
Grupong Maute dahil sa inyo
Daming ‘di makakain
‘Di rin makatulog
Buhat ng inyong lusubin
‘Wag na ‘wag n’yong hamunin
Kayo’y aking papatayin,
Subukan n’yo aking pusong bato

Lord, Kayo na po ang bahala.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments