HIRIT NA!: Finding Rody –

0
97


Noong 2016, napabalitang nagkaroon ng stroke si candidate Rod­rigo Duterte habang nangangampanya sa Quezon City.

Sa pagharap niya sa media, sinabi ni Duterte na wala siyang kanser pero inamin na meron siyang mga iniindang sakit. Ngunit ang mga sakit na ito ay ‘di nakamamatay, paglinaw niya.

Aniya, natuklasan na mayroon siyang ‘respiratory inspection’ na nagdudulot sa kanya ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at pagsusuka. Inamin din ni Digong na mayroon siyang acute bronchitis.

Ayon pa kay Digong, mayroon din siyang ‘slipped disc’ dulot ng motorcycle accident 10 taon na ang nakaraan. Nakakaranas din siya ng Barret’s esophagus at Burger’s disease na nagdudulot ng paghapit ng blood dulot ng sobrang nikotina sa katawan.

Noon namang Disyembre 2016, inamin din ni Digong na inaatake siya ng migrane araw-araw at malimit na pananakit sa kanyang gulugod.

Ito ang mga dahilan kaya siya umiinom ng Fentanyl, isang highly potent at addictive painkiller, na 100 beses na mas malakas kumpara sa morpina. Naging kontrobersyal ang Fentanyl nang ito ang maging dahilan ng pagkamatay ng pop le­gend na si Prince.

Pero sa kabila ng kanyang pag-amin, sinabi rin ni Digong na ‘niloloko’ lang niya ang media dahil lahat ng kanyang sinasabi ay sinusulat umano ng mga ito.

Noong June 12, Araw ng Kalayaan, marami ang kumuwes­tyon sa pagkawala ni Duterte sa flag ceremony sa Rizal Park. Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano napagod at napuyat ang pangulo kaya ‘di nakadalo.

Kailangang magpalabas ng mga larawan at video ang Ma­lakanyang para pabulaanan ang kumakalat na balita na na-mild stroke ang pangulo.

Totoo man o hindi, karapatan ng mamamayang Pilipino na mabatid ang tunay na lagay ng kanyang kalusugan dahil ito ay itinatakda ng Konstitusyon.

Malala man o hindi ang sakit ng pangulo, marapat lamang na ipagdasal natin ang kanyang kalusugan at kakayahang makapag­lingkod para sa ating bansa.

Sa dami ng kalaban ni Pangulong Duterte, tiyak na marami rin ang nagdarasal na siya ay mawala sa puwesto, karamdaman man ang maging dahilan o may iba pa.

BALITAWIT:

Tinapos na ng Department of Tourism (DOT) ang anumang relasyon nito sa McCann World, ang advertising agency na nasa likod ng kampanya kaugnay ng mga retirado at persons with disability. 

Ito ay matapos na mabulgar ng netizen na ginaya ito sa kampanya ng turismo sa South Africa.

PANAKIP-BUTAS (awiting pinasikat ni Hajji Alejandro)

Girl, ikakansel mo nga ba

Dinig ko’y na-cancel na’t

Buo na ang isip mo

Ito ang wakas

Ng inyong usapan

Ngayong may bagong luma ba?

Kinopya sa South Africa?

Oh, Wanda, kay mahal mahal talaga

Buti na-cancel na…

Sige’t pagpatuloy mo pa…

Panakip-butas na lang ang McCann

Hindi na mauulit…

Hindi mangongopya

Ano pa’ng dahilan?

Ngunit kung ika’y

Ayaw na ma-bash pa…

Hindi mo gagawing

Gayahin na ang promo ay gamitin

Oh, Wanda, kay mahal mahal talaga

Sige, bawiin na…

Sige’t pagpatuloy mo na…

Panakip-butas na lang ang McCann

Girl, hindi kita masisi

Alam kong pangarap mo ‘yan

Girl, hindi kita masisi

Kailangan mo rin matikman ang puna ng taumbayan

Lord Kayo na po ang bahala



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments