HIRIT NA!: ‘Boy Tigas’ –

0
66


Hanggang ngayon ay nagmamatigas pa rin si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa paghingi ng paumanhin kaugnay ng umano’y fake news niya laban sa ilang Senador at Congressman na kaalyado ng Liberal Party at nasa likod ng terrorist attack sa Marawi City.

Nais ni Aguirre na mag-move on na ang kanyang mga kritiko para mapigilan ang pagdinig sa publiko sa Senado hinggil sa pagkakamaling ito.

“Lahat naman tayo ay nagkakamali,” ani Aguirre na sa kabila ng pag-amin ay hindi pa rin mag-so-sorry sa publiko.

Narito ang BALITAWIT kaugnay ng isyung ito.

“Paalam Na” pinasikat na awitin ni Rachel Alejandro

Nais ko lang malaman niyo…

Laman ng aking ulo

Baka ‘di na mabigyan ng ibang pagkakataon

Na sabihin ito sa inyo

‘Di ko ito ginusto

Makuryente ang balita ko…

Nguni’t di magkasundo

Puwede ba mag-move on na tayo…

REFRAIN:

Patawad ba? Ayoko nga!

Kay hirap sabihin

Patawad na? Ayaw ko nga!

Masakit isipin na kahit pa sumasabit na…

Huling-huli at napahiya!

Maaaring ‘di lang sana’y magpakumbaba!

Sana’y huwag ninyong isipin

Na ang pahayag ay ‘di tunay

Dahil totoong dilawan naman

Ang suporta ay walang kapantay

Nguni’t masasaktan lang kung kayo ay pagbibigyan

Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan..

REFRAIN:

Patawad ba? Ayoko nga!

Kay hirap sabihin

Patawad na? Ayaw ko nga!

Masakit isipin na kahit pa sumasabit na..

Huling-huli at napahiya!

Maaring ‘di lang sana’y magpakumbaba!

Bridge:

Darating sa buhay ninyo

Na makukuryente rin kayo..

At makakasuhan pa

Nang higit pa sa nagawa ko wohhhh

REFRAIN:

Patawad ba? Ayoko nga!

Kay hirap sabihin

Paalam na? Ayaw ko nga!

Masakit isipin na kahit pa sumasabit na..

Huling-huli at napahiya!

Maaring ‘di lang sana’y magpakumbaba

Lord Kayo na po ang bahala.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments