HIRIT NA!: Ang bawat isyu ay laging may dalawang mukha

0
41


Katulad na lamang ng usapin ng korapsyon sa loob ng Bureau of Customs (BOC).

Naunang ibinulgar ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga opis­yal at kawani sa BOC na tumatanggap ng ‘tara’ o lagay para mailabas nang mabilis ang kanilang kargamento o kontrabando.

Nangunguna sa listahan si da­ting Customs Comm. Nicanor Faeldon sa tumatanggap ng ‘tara’.

Kinabukasan, ibinulgar naman ni Faeldon na ang anak ni Ping na si Panfi ay sangkot sa ‘technical smuggling’ matapos magbayad ng mas mababang halaga para sa ipinasok niyang produkto ng semento.

He says. He says. Sino ang paniniwalaan mo sa kanilang dalawa?

Sa kaso naman ng extrajudicial killings na may kaugna­yan sa kampanya ng administrasyong Duterte sa droga, ayon sa pulisya – sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot ang menor-de-edad na si Kian delos Santos/lumaban at naki­pagbarilan habang si Kian ay inaaresto.

Sa panig ng pamilya ni Kian, mga guro at kapitbahay sa kanilang komunidad, siya ay pinatay nang walang kalaban-laban sa kamay ng tatlong pulis-Caloocan.

Matapos ang pagdinig ng Senado, nabatid na matapos mapatay si Kian ay tsaka pa lamang nalaman ng mga awtoridad ang mga impormasyon laban kay Kian sa Facebook at iba pang social media.

May hinaing pa si Justice Sec. Vitaliano Aguirre kontra sa mga dilawan, CBCP at mga human rights organization sa atensyon na binibigay kay Kian.

Ayon pa kay Aguirre, ang pagkamatay ni Kian ay planado at ang utak ay mismong mga taga-Liberal Party na layong si­raan si Pangulong Duterte sa international na community.

Kinuwestyon pa niya ang ginawang pagbisita ng mga politikong dilawan sa lamay ni Kian.
Kanino ka papanig? Sa estado ba? Sa biktima? O sa may pulis na makapangyarihan.

Maging maingat mga igan. Manuring maigi. ‘Wag natin hayaan na tayo ay gawin pa nilang mga tanga!

BALITAWIT

ANAK NI PING (Sa tono ng awiting Anak na pinasikat ni Freddie Aguilar)

Nu’ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ni Panfilo…

At ang unang ginawa,
Ngalan mo’y UNYO!

At nagsikap ang tatay mo…
‘Di malaman ang gagawin

Sa pork barrel, jueteng, siya’y tumanggi…
At sa gabi’y napupuyat ang iyong tatay…

Sa paghabol sa kriminal…
At sa umaga nama’y kalung-kalong na ang suspek na walang buhay…

Ngayon nga ay malaki ka na…
Ang nais mo ay kumita…

‘Di man sila payag, naging importer ka…

Sa Customs walang nagbago 
Kay tigas-tigas ng ulo
At ang payo nila’y

Maglagay ka…
‘Di mo man lang inisip na ang
Iyong ginagawa’y ilegal na

Pagka’t ang nais mo’y magpasok
ng semento…. ‘di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang dalawang araw.

Ani tatay mo may naligaw
Itong si Comm Faeldon
May masamang bisyo

At ang una niyang nilapitan
Ang kanyang anak na si PAMPI
At ang tanong niya

“ANAK, mayron ka bang nilagyan?”
At ang iyong mata’y parang lumuha
Nang mag-presscon si Faeldon

Nagsisisi ka ba at napapaisip kung
Ika’y nagkamali?
Lord Kayo na po ang bahala



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments