Hinihinalang miyembro ng salisi gang, timbog sa bangko sa Pampanga

16



GUAGUA, Pampanga – Isang hinihinalang miyembro ng salisi gang ang arestado matapos mangbiktima umano sa loob ng isang bangko, Martes.

Dinampot ng mga pulis si Ringo Serrano matapos nitong kuhanin ang pera ng isang kliyente na nagfi-fill up ng form sa loob ng isang bangko.

Nakuha mula kay Serrano ang cash na aabot sa P49,500 at 2 sachet ng shabu na nakasilid sa loob ng isang coin purse.

Itinanggi ng suspek na pag-aari niya ang nasabat na droga ngunit aminado ito na kabilang siya sa salisi gang na karaniwang nambibiktima sa Bataan.

Haharap si Serrano sa kasong theft.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments