Heart magtatayo ng bahay- ampunan ng mga aso, pusa

0
33


Kung puwede lang ampunin ni Heart Evangelista ang lahat ng mga hayop, lalo na ang mga pusa at aso, na makikita niya sa kalsada, gagawin niya.

Katunayan, marami-rami na rin siyang inampon na mga askal at puskal, na inalagaan niya, na kapag okey na ang kondisyon, at kapag may gustong mag-ampon ay ipinaaampon niya, pero sinisiguro niyang maayos na ang kala­gayan ng mga ito.

Marami na ring hayop­ na alaga si Heart sa mismong bahay niya.

Feelin­g nga ng mga taong dumadalaw sa bahay niya,­ parang pet shop na ito, o ampunan ng mga dogs, cats, dahil sa dami nga nila.

Anyway, desidid­o na ngang tuparin ni Heart ang mga plano niyang ‘yon.

“It’s only been a few days since we last saw each other, but I’m already missing my strong but gentle guy Chunino! Last year, he got run over by a truck in Sorsogon. I’m really glad he’s doing better. One of my dreams is to open a center for stray animals, especially dogs, where they will feel loved and can have proper nutrition and medical care. Who’s with me? #Adopt #DontShop,” sey ni Heart.

Oo nga, malinaw ang mensahe ni Heart, na bakit ka bibili ng ala­gang hayop, kung meron ka namang puwedeng ampunin, alagaan at mahalin.

Kathryn-Daniel tagumpay sa pamamalimos ng dugo

Pina­ngu­na­han ng La Luna Sangre stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isang blood letting event na ginanap noong Linggo (Nov. 5) sa Philippine Red Cross headquarters kasabay ang 23 iba pang blood donation drive nationwide na inor­ganisa mismo ng Kathniel fans.

“May shortage talaga ang bansa sa dugo. May mga cases na rin kaming naririnig na nahihirapan sila na kumuha ng dugo. Kaya sana kahit hindi ngayong araw ay makapagbigay kayo ng dugo para makatulong sa ating kapwa Pilipino,” pana­wagan ni Daniel.

Matagumpay na nakakalap ang event ng 50,000 cc na dugo.

Bukod sa bloodletting, kinuha rin nina Kathryn at Danie­l ang oportunidad para pag-usapan ang kanilang cyberbullying­ advocacy bilang CyberSmile ambassadors.

Idiniin ng dalawa ang kanilang panawagan na itigil na ang online bashing at sinabing dapat manindigan ang bawat isa kontra dito.

Daniel at Richard mag-ama sa La Luna Sangre?

Siyanga pala, patuloy sa pamamayagpag ang La Luna Sangre bilang isa sa mga top rating primetime serye ng bansa. Nasaksihan nga ng mga manonood ang pagtigil ng tibok ng puso ni Tristan (Daniel) noong Biyernes (Nov.3) matapos siyang bigyan ng virus ni Prof T. (Albert Martinez).

Isang malaking palaisipan tuloy kina Prof T. at Samantha (Maricar Reyes) ang katauhan ni Tristan nang hindi tumugma­ ang nangyari kay Tristan sa kapwa niy­a Moonchasers.

Ano nga ba ang misteryong bumabalot kay Tristan? Ano kaya ang ugnayan nina Tristan at Sandrino (Richard Gutierrez) sa isa’t isa? Mag-ama kaya sila?



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments