Hashtag Franco, paalam na bakasyon dinibdib

0
111


KASALUKUYANG nasa Davao na ang tatay ni Hashtag Franco o Franco Miguel Hernandez Lumunlan na si Ginoong Raul Hernandez kasama ang handler ng anak na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment at iba pang kaanak para asikasuhin ang bangkay ng binata na namatay sa pagkakalunod nitong Sabado (Nobyembre 11) ng hapon.

Base sa ulat ng ABS-CBN news, pabalik na sa North Lamidan’s coast, Don Marcelino si Franco kasama ang girlfriend nito at mga kaibigan nang hampasin sila ng malakas na alon at nahulog sa sinasakyang bangkang de motor ang miyembro ng hashtag at nawalan ng malay.

Kaagad namang dinala sa Estacion Medical Clinic si Franco pero idineklarang dead on arrival na.

Nasa Cosmopolitan Funeral, Davao City ang bangkay ni Franco at kasalukuyang pinag-uusapan pa ng pamilya kung iuuwi ng Maynila ang bangkay o sa nasabing probinsiya at ike-cremate.

Request ni Franco na kapag namatay siya ay gusto niyang i-cremate ayon sa tiyahin nito.

Samantala, base naman sa mga follower ni hHashtag Franco ay tila may premonition na ang binata dahil nag-post siya ng clouds habang nakasakay sa eroplano patungong Davao noong Nobyembre 9 kasama ang kapwa Hashtag na si Tom Doromal at girlfriend nito.

Tila nagpapahiwatig na ang dancer na rito siya patungo.

Anyway, nitong Pebrero 2017 lang ini-launch ang ikalawang batch ng Hashtags kaya technically ay wala pa siyang isang taon sa industriya at sa Abril ay isinelebra niya ang kanyang 21stbirthday.

Ang manager nitong si Erickson Raymundo ang nakadiskubre kay Franco at isa ang binata sa may malakas na hatak sa bagong batch ng Hashtags.

Post ni Erickson, “It is with deep sadness and grief that we accept the news of Franco Miguel Hernandez Lumanlan aka “Hashtag Franco’s” passing today. He was a very promising talent and a true star in every sense of the word.

He was passionate, hardworking, humble and liked by all. He lived his life following his dreams and made every second count.

Franco was not just our talent, he was part of our family. And our hearts break into a million pieces for such a young life gone too soon.

“We will surely miss him. Rest In Peace our ever dearest Franco.”

Ang handler naman ni Franco na si Mac Merla ay nag-post ng huling usapan nila ng binata, “This is @hashtag_franco’s last message to me. Nagpapaalam if ok lang na magbakasyon siya. Syempre pumayag ako, sinabi ko pa na para makapagpahinga siya. Franco, masyado mo naman sineryoso ang pagpapahinga. You are any manager’s dream alaga. Very respectful, proper, obedient, loving and kind. I am just glad to know that during the last days of your life you are happy and fulfilled. May the Lord grant us all strength and wisdom during this trying times. I will miss you. Dance for us in heaven.”

Rest in peace Franco!

ILAI,
MAY BAGONG
YUGTO

AKALA ng sumusubaybay ng seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson kasama sina Jake Cuenca at Coleen Garcia ay patapos na dahil ikinasal na sina Gabriel at Bianca.

Pero hindi pa pala dahil parang bagong yugto itong magsisimula palang lalo na’t alam na lahat ni Roman (Michael de Mesa) na si Gabriel (Gerald) ang tunay niyang anak dahil ikinanta ni Lola Ganda (Gina Pareno) at sabay DNA testing.

Pinalayas ni Roman (Michael) ang inakalang anak na si Carlos (Jake) dahil sa pagsisinungalin nito, pero pinatawad din at pinabalik ng bahay sa kondisyong hindi na siya dapat makipagkita sa tunay nitong amang si Rigor (Daniel Fernando).

Inimbitahan ni Roman (Michael) ang bagong kasal na anak para sa isang hapunan na ikinagulat nina Isabel (Coleen) at Carlos (Jake) dito nakitaan ng pagseseslos ang huli dahil ipinaramdam sa kanya na mas importante sa kinilalang ama ang tunay nitong anak, natural lang ‘di ba Ateng Maricris.

Hinimok ding tumira na rin sa mansion ang bagong kasal at dahil nga hindi pa rin nawawala ang gusto ni Carlos (Jake) kay Bianca (Kim) ay sinisilipan niya ito at dito na nagwala si Gabriel (Gerald) at nagsabing aalis na lang sila.

Nagalit si Roman (Michael) sa ginawa ni Carlos (Jake) at nangatwirang sinisiraan lang siya ni Gabriel (Gerald) kaya pinamili ang ama at ang ending, siya ang pinalalayas at mananatili sa mansion ang tunay na anak.

Akala rin namin kapag nalaman na ni Roman (Michael) kung sino ang tunay niyang anak ay tapos na ang kuwento ng Ikaw Lang Ang Iibigin, hindi pa pala dahil hangga’t buhay pa ang mag-amang Carlos (Jake) at Rigor (Daniel) ay mahaba pa ang itatakbo ng serye dahil hindi sila papayag na hindi makaganti at makakuha ng bahagi ng kayamaman ng una.

Kaya abangan ang ILAI sa ABS-CBN pagkatapos ng It’s Showtime.

FACT SHEET
Reggee Bonoan





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments