HAPILON ‘DI SUSUKO! –

0
139


Malabong madakma ng buhay ang lider ng terror group na si Isnilon Hapilon na tinutugis ng mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., ang patuloy na pagmamatigas ng grupo ay indikasyon na walang balak na sumurender at magpahuli ng buhay ang mga galamay ng Maute kabilang na ang lider ng terror group na si Hapilon.

“Tungkol sa paghuli parang duda po kami diyan. Kasi nanawagan na po kami na sumuko sila, ibaba ang kanilang armas, walang positibo nagiging response o sagot…at sa patuloy nilang pakiki­pag-away at pananatili sa mga lugar na kanilang pinanghahawakan ngayon na dinedepensahan nila, naniniwala kami na gusto nila yatang tapusin ito nang hindi magandang pamamaraan,” pahayag ni Padilla sa Mindanao Hour press briefing sa Malacañang kahapon.

Subalit pursigido a­niya ang AFP na tapusin sa lalong madaling panahon ang krisis sa Marawi City at nakahanda sila sa anumang posibleng mangyari.

“Determinado tayong tapusin ito sa mas mada­ling panahon. Pero duda kami na sila’y lalabas na buhay,” pagdidiin pa ni Padilla.

Gayunman, nagpaabot din ng mensahe si Padilla sa mga miyembro ng terror group na gusto nang sumuko.

AFP HIRAP SA MARAWI

Dumagsa kahapon ang mga evacuees mula sa Marawi City sa pansa­mantala nilang kanlungan sa munisipyo ng Saguiaran, Lanao del Sur. (AFP)

Samantala, kasunod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos na ang krisis sa Marawi sa loob ng susunod na tatlong araw, isiniwalat naman ng AFP spokesperson na bagama’t pursigido silang abutin ang itinakdang deadline ay nasa kumplikadong sitwasyon ngayon ang isinasagawa nilang opensiba laban sa mga terorista.

“Our commanders have tried to meet the deadline. There’s no denying that. We have gone all out. We have done all our best and we have been operating 24/7. This operation will continue at that phase, we will not change that,” ayon kay Padilla.

Gayunpaman, may­roon aniyang kum­plikasyon sa operasyon ng military.

“But again, complications have been coming out, and complications, what we mean by this is the continued use of the civilians, potential hostages that may still be in their hands, the use of places of worship, for one, which prevents us from going all out, and other factors that complicates the battle because of its urban terrain,” sabi ni Padilla.

Pero paliwanag ni Padilla, nakadepende pa rin ito sa sasabihin ng mga ground commander.

“The basis for determination of any military action on the ground, will be the call of the commander. They are the ones who are fully aware of the situation, gravity of the…they face, as well as the solutions they have to address those,” dagdag ng opisyal.

MOSQUE BOMBING INAARAL

Masusing pinag-aaralan din ng AFP ang nakapaloob na probisyon sa International Humanitarian Law na nagpapahintulot upang umatake ang tropa ng gobyerno sa mga mosque na pinag­lulunggaan o ginawang kanlungan ng mga ga­lamay ng terror group sa Marawi City.

“There are provisions that may allow for us to take action against them (tirahin ‘yung mosque?),” paghahayag ni Padilla.

“Pinag-aaralan na­ming mabuti, hindi ko sinabing tirahin pero pinag-aaralan namin kasi may kautusan si chief of staff (Gen. Eduardo Año) that we will avoid doing that as much as possible,” dagdag ni Padilla.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments