HAMON KAY GEN. MAO APLASCA

0
107


HINDI maikakaila na notoryus ang Region 4A na kilala rin sa tawag na ‘Calabarzon area’ kapag ang pag-uusapan ay operasyon ng iligal na sugalan.

Nasabi nating notoryus dahil lahat ng uri ng sugal ay parang kabute kung ituring diyan sa Calabarzon (Batangas, Rizal, Cavite, Laguna at Quezon).

Matagal na panahon na tila okey lang sa mga nakatalagang R4A police director ang pamamayagpag ng jueteng, lotteng, VK, at iba pa.

Pero noong maupo si Gen. Aplasca bilang regional commander ilang buwan na ang nakararaan, ang mga gambling den ay nahinto ang operasyon.

Pero ‘yon ay pansamantala lamang pala dahil bigla ring bumalik ang gambling activities na – kumpara sa dati’y – lalo itong bumangis.

Bumagis dahil naging lantaran daw ang pagpapataya ng jueteng lotteng, etcetera na kahit sa mga police station ay may bet collectors.

Ang pamamayagpag ng iligal na sugal sa buong Calabarzon area ay imposibleng hindi alam ng mga provincial, city at town commander.

Kaya ang hamon natin kay Gen. Aplasca – maging totoo sa tungkulin.
Isang tawag lang sa mga PD at tiyak na hinto agad ang mga sugalan sa R4A.

SINA BIG BOY AT HARUTA

Hamon din natin kay Gen. Aplasca ay ipahuli niya itong sina Big Boy de Belen at Haruta dahil ang mga ito ang sumisira sa kanyang pangalan.

Sina Big Boy at Haruta ang umano’y nagbigay ng go-signal para sa muling pagbubukas ng sugalan sa lalawigan ng Batangas.

Bukod kay Gen. Aplasca, ginagamit din ng dalawang ito si Batangas PD S/Supt. Randy Peralta sa kanilang ‘collect-tong’ activities.

Ang ulat nga, pati raw si Gov. Hermilando Mandanas ay nagagamit din ang pangalan sa pangwawalanghiya ng dalawang ogag na ito.

Kaya ang suhestiyon natin, aba’y kilos gob – ipahuli mo sa iyong mga bata sina Big Boy at Haruta para mahinto ang kanilang kahangalan.

Teka nga pala, may natanggap tayong ulat na nagkalat daw ang vk machines diyan sa Batangas City na ang mga player ay adik. Paging Batangas City CoP. CHOKEPOINT/BONG PADUA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments