GULO SA MARAWI CITY AT ANG MARTIAL LAW

0
194


MISMONG si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ng Simbahang Katoliko ang nagpahayag na tuloy-tuloy ang kanilang pagsuporta sa Martial Law sa kanilang rehiyon hangga’t nakikita nila na patuloy na magulo ang sitwasyon sa Kamindanaon.

Sa pahayag ni Cardinal Quevedo, patuloy nilang susu- portahan ang Martial Law hangga’t hindi raw nila nakikita na tahimik na ang buong Mindanao mula sa nangyayaring mga kaguluhan na gawa ng Maute Group.

Kung ito raw ang mas naka-bubuti para sa kanilang rehiyon, tanggap nila.

Inamin din ng Cardinal na santambak ang kanilang kinahaharap na problema na kailangang masolusyonan ng gobyerno para sa ikauunlad ng kanilang rehiyon. Partikular niyang tinukoy ay ang iligal na droga hanggang sa korapsyon.

Isa sa binanggit pa ng Cardinal ay dapat daw na tigilan na rin ang sinasabing diskriminasyon sa mga kababayan nating Muslim para tuluyan nang matigil ang kaliwa’t kanang gulo na nangyayari sa Mindanao.

Iminungkahi ni Quevedo na kailangan ay mabigyan ng tamang edukasyon ang mamamayan hinggil sa masamang idinudulot ng diskriminasyon sa mga Ka-Musliman na wala namang maidudulot na kabutihan para sa pagkakaisa ng mga Kristiyano at Muslim.

Siguro ay mas maganda rin na isama ng Cardinal sa kanyang panawagan na maging ang ka-Musliman ay makiisa sa panawagan ng Cardinal na maayos ang gusot sa pagitan ng Kristiyano at Muslim upang sa ganoon ay tuluyan nang mawakasan ang sinasabing sigalot mula sa Anti-Muslim Hate.

Pangit kasing tignan ang nangyayaring gulo ngayon sa Marawi City dahil sumasalamin ito ng patayan ng Filipino at Filipino dahil lang sa magkakaibang idelohiya at relihiyon na hindi naman dapat pag-awayan dahil ang lahat ay nadadaraan sa maayos na usapan.

Kung ang Martial Law ang siyang magiging daan para muling maging tahimik ang Marawi City dapat ay bantayan ang mga nagpapatupad nito.

Tingnan kung may mga lumalabag sa Batas Militar upang hindi na muling maabuso ang Martial Law gaya ng nangyari noong panahon ng Marcos Regime na mismo ang mga militar ang siyang umano’y gumagawa.

SA PULIS MAGLALAGAY KAYSA SA PCSO

Sa Rosario, Batangas, ang pinaka-astig na magbu-bookies ng Small Town Lottery ay itong si Noli Perez.

Hindi siya ginagalaw sa bayan na ito dahil protektado siya ng mga pulis ng nasabing bayan.

Ang katwiran ni Noli Perez, sa halip na mapunta ang napakalaking porsyento na hinihingi ng PCSO ay bulsa na lang daw ni Rosario chief of police Supt. Mary Cristal Peralta na lang niya ipanlalagay.

Totoo ba ito, koronel?

oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments