GORDON, TRILLANES NAGSAGUTAN! –

0
49


“Committee de abswelto.”

Ito ang patutsada ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon matapos na pagtakpan umano ng huli ang anak at manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakasangkot sa umano’y corruption sa Bureau of Customs (BOC).

Napuno ng tensyon ang resumption ng pagdinig ng komite sa P6.4 bilyong shipment ng shabu na dumaan sa BOC, matapos na itulak ni Trillanes na imbitahan si Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte at bayaw nitong si Manases Carpio.

Iginiit ni Trillanes na ipatawag ang dalawa dahil sa binanggit ang mga ito ng testigong si Mark Taguba na sangkot sa Davao Group na siyang nagpapalusot ng mga kargamento sa BOC.

Ipinakita ng broker na si Taguba ang text messages na isang “Tita Nani” kung saan binabanggit ang pangalan ni “Pulong” at “Mance” sa transaksyon.

Sinabihan naman nina Gordon at Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III si Taguba na maglabas ng matibay na ebidensiya na sangkot sa corruption sa BOC sina Paolo at Carpio bago sila maipatawag sa pagdinig ng komite.

Dahil dito, hindi napigilan ni Trillanes na magkomento na “committee de abswelto” ang komite ni Gordon.

Sumagot naman si Gordon ng “You’re out of order. I will not dignify your statements.”

Nagbanta pa si Gordon na maghahain siya ng reklamo sa Senate committee on ethics laban kay Trillanes kung kaya’t pumalag ang huli at tinawag na “irrational ruling” ang ginawa ng chairman ng komite.

“The trouble with this gentleman, every time he does not like something, he will conduct a coup, he will be forgiven, and he will conduct another coup,” patutsada ni Gordon na sinagot naman ni Trillanes na ganito rin ang ginawa ng dating mayor ng Olongapo nang magbarikada sa Subic Bay nang patalsikin ni noon ay Pangulong Joseph Estrada bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Dahil dito, sinuspinde pansamantala ang hearing upang mapakalma ang mga nagkainitang senador.

Sa isang ambush interview naman, nanindigan si Trillanes na nag-aabogado si Gordon sa pamilya Duterte.

“Nakita nyo naman nag-motion lang ako to invite suddenly naging irrational na ang behavior. Samantalang itong si Small Abellera, pina-invite ko in-invite naman. Yung napapagkamalang Tita Nani pina-invite ko, in-invite naman,” wika ni Trillanes.

“Bakit parang special ang treatment dito kay Atty. Mans Carpio at si Paolo Duterte?” patutsada pa ng senador.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments