Go local » Manila Bulletin Entertainment

0
34


For years now, millennials have ooh-ed and aah-ed over Hollywood superheroes. Actor Coco Martin points out we have our own, too, and they are ones he is proud of.

In his desire to reach out to even more young people, Coco Martin has developed and launched a game app inspired by Pinoy superhero Panday.

Coco Martin

“Gusto ko makilala ng mga bata kung sino si Panday kasi lalong-lalo na ang mga five years old ngayon, hindi nila alam kung sino si Panday kasi ang kahuli-hulihang nag-Panday ay si Bong Revilla (pa from years ago).

“Siyempre, this time ’yung generation iba na ang kilala nila. Ang kilala nila ay sina Thor. Sabi ko, kaya rin natin ’yan, eh. Meron din tayong mga superhero na maipagmamalaki, sina Captain Barbell, sina Darna. And then sabi ko, why not simulan natin dito. At sa paanong pamamaraan ’yon? Simulan natin sa mga games kasi ’yung mga bata nakatutok sa social media o sa mga cellphone.”

The Ang Panday gaming app is a collaboration between himself through his CCM Creatives office and Cosyn Media Tech; and powered by Synergy88 Digital Inc.

Since the game entails the Panday fighting with nemeses, we asked Coco if he has ever been involved in a brawl or bullied when he was young.

“Hasang-hasa,” he quipped. “Ang problema (kasi), maliit ako, may itsura kahit konti, (kaya) nakukursunadahan.

“Hindi naman ako mayabang, pero hindi ko alam kung bakit maraming naaasar sa akin sa school. Napagti-tripan. Hindi nila alam na lumaki ako sa Novaliches kung saan kasama mga pinsan ko tsaka mga barkada ko na gago rin kaya sanay na sanay ako (sa ganyan).”

That part of his life now helps him do action routines easily.

Still, fight scenes for the cameras are a lot different from real life, Coco found out.

“Nagugulat nga sila na ’pag ako nakikipag-acting, para akong totoong nakikipag-away kasi ganu’n ako. Ang problema ko, hindi ako marunong sa choreography, hindi ako marunong sa fight scenes kasi ang alam ko totoong away, eh,” he said.

On hindsight, he realized that “kaya ko siguro pinagdaanan ang mga bagay na ’yun kasi ito ang magiging path ko. Dadating pala ang point na magkakaroon ako ng projects na action.”

The MMFF movie

Coco shared that principal production for his Metro Manila Film Festival entry “Ang Panday” has been finished.
He gave his all for this, his first movie directorial job, which he has bankrolled, too.

“Siguro lahat ng aking dream, lahat ng aking pangarap (for this movie) ay sinagad ko. Hanggang sa last day namin – sabi ko nga dugo’t pawis at buhay ’yung hinanda kasi ’yung last location talaga namin ay sobrang hihirap – sabi ko, hindi pala biro na ikaw ’yung director.

“Hindi siya biro kasi napakahirap ng pagdadaanan mo. Ako ang director, ako ang producer, ako ang bida, ako rin ang creative. Kumbaga, lahat hawak mo, eh. Ang sarap ng pakiramdam noong sinabi nila ang ‘pack-up’ kasi ang hirap at isinasabay ko siya sa ‘Ang Probinsyano.’

“Pero sabi ko nga kapag gusto mo ang ginagawa mo, kahit dumating ’yung time na halos hindi mo kayang bumangon dahil sa sobrang pagod mo, hindi eh. ’Yung determinasyon na alam mo na kailangan mong tumayo kasi may purpose ka kung ba’t mo ginagawa ito. Ang sarap sa pakiramdam lalong-lalo kung nakikita mo ang resulta.”

Coco shot in all locations he had ever dreamed of for the movie.

“Actually, nagtatawanan kami ni Senator Lito Lapid (which Coco consults for the film) kasi (sabi niya) ‘Napakarami kong pelikula na ginawa pero ngayon lang ako nakaisip na ganito kahirap na location.’ Kasi binaba namin ’yung pinaka-core ng bulkan. Doon talaga kami nag-shoot, at the same time gusto ko pang makita ang pinakataas so inakyat namin ’yon. Pero, ang ikinaganda noon, siguro dahil lahat ng nakatrabaho ko ay lahat ng malalapit sa akin at talagang nagtitiwala, wala naman akong narinig na nagreklamo o umangal.

“Meron pa kaming scene sa (bundok ng) Biak na Bato. Sabi nila first time na nag-shoot doon dahil napakahirap (akyatin). Siguro first time ko nga kaya gusto kong masunod talaga o gawin kung ano ang nasa isip ko o ang vision ko para after that, kung anuman ang kinalabasan ng pelikula walang sisihan na sayang bakit hindi ko ginawa. Ibinigay ko na ang mga best ko.”

Tags: , , , , , , , , , ,





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments