Gilas pinipiga ni Chot –

0
34


Dalawang linggo na lang at sasabak na ang Gilas Pilipinas sa First Window ng FIBA World Cup qualifiers, ang home-and-away tournament para sa Asian teams.

Unang dadayo ang Nationals sa Komazawa Gymnasium sa Tokyo laban sa Japan sa Nov. 24.

Nov. 20 ang iskedyul ng Gilas na tumungo sa Japan, sa nakalipas na isang linggo ay dala­wang beses isang araw kung magpraktis at magpakondisyon.

Pinipiga ni coach Chot Reyes ang kanyang team sa tuloy-tuloy na ensayo sa Meralco gym: “6th practice in 3days” post ni Reyes (coachot) sa Instagram, nilagyan niya ng hashtag na ­‘#gilasgrind’.

Closed door ang praktis, hindi rin nagbibigay ng interview ang buong team.  Pahinga sila kahapon, muling sasabak ngayon.

Balitang si natura­lized Andray Blatche ay sa Nov. 12 pa darating.

Sumipot na si Terrence Romeo sa praktis, pero walang balita kung naka-recover na ito nang husto sa kanyang knee injury.

Si Japeth Aguilar ay may mouth infection daw.

Pinakahuling addition sa Gilas pool si Kevin Alas palit kay Jio Jalalon na sumailalim sa procedure sa kanyang tuhod.

Ang iba pa sa pool ay sina Kiefer Ravena, Jayson Castro, Troy Rosario, Allein Maliksi, June Mar Fajardo, RR Pogoy, Carl Bryan Cruz, Calvin Abueva, Raymond Almazan, LA Revilla, Gabe Norwood, Matthew Wright, Mac Belo, Mike Tolomia, Von Pessumal, Ba­ser Amer, Russell Escoto at Kevin Ferrer.

Hindi pa sigurado kung lalaro si Christian Standhardinger.

Ang 16-man pool ay bibitbitin sa Tokyo, pero sa mismong gabi na ng match ihahayag ang final 12.

Pagkatapos ng Japan, sa Nov. 27 ay ihu-host ng Gilas ang Chinese Taipei sa Smart Araneta Coli­seum. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments