Gerald, awkward sa 2 ex-GF’s | Tempo

0
83


Awkward kay Gerald Anderson na ‘yung pareho niyang ex-girlfriends na dating magkaibigan ay naging friends uli at nag-uusap na naman. Kahit walang binanggit na pangalan, obvious na sina Kim Chiu at Maja Salvador ang tinukoy ni Gerald sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda.”

Ayon pa kay Gerald, naku-curious siya kung ano kaya’ng pinag-uusapan ng mga ito kapag nakikita niyang nag-uusap ang dalawa niyang ex-GF’s.

Awkward din kay Gerald na ‘yung current GF niya’y in good terms pa rin sa ex-boyfriend nito. Obvious bang sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang mga ‘yun?

In any case, happy heart ngayon si Gerald dahil kahit hindi nila inaamin ni Bea ang real score between them, obvious namang ang dalaga ang nagpapasaya ngayon kay Gerald.

Nang paharapin sa salamin ni Boy si Gerald, sinabi niyang hindi siya perfect guy, pero he is a good person. Check! Marami ang nagsasabing mabuting tao si Gerald.

Advocacy

Isa pang good person ay si Alden Richards. Sa kabila ng kanyang successful career, never lumaki ang ulo ni Alden.

Nananatiling nakatapak sa lupa ang kanyang mga paa at mapagkumbaba ever.

Marunong siyang mag-share ng kanyang blessings. In his own way, tumutulong si Alden sa mga nangangailangan. Tulad na lang sa mga batang mag-aaral sa isang public school sa Sta. Rosa, Laguna na hometown ng Pambansang Bae.

Katulong ang kanyang fans, namahagi si Alden ng school supplies. Advocacy niya ang edukasyon na aniya, mahalaga ito sa mga kabataan, kaya kailangang magsumikap ang mga ito na makatapos sa kanilang pag-aaral.

Tuwang-tuwang at thankful ang mga teacher at estudyanteng personal pang pinuntahan ni Alden sa kanilang eskuwelahan at namahagi ng school supplies.

US shows

Dinagsa ng mga kababayan nilang Pinoy ang show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa California, USA noong nakaraang weekend. Hatid ‘yun ng GMA Pinoy TV kaugnay ng celebration ng Philippine Independence Day.
Nagkaroon ng meet and greet after ng show. Nakipag-photo op rin ang fans kina Dong at Yan. Sa June 10, nasa Karson, USA naman sila for another show. Kasama nila sa kanilang travel ang kanilang Baby Zia.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/09/gerald-awkward-sa-2-ex-gfs/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments