GEN. ELEAZAR, BINAGO ANG DEKADANG SISTEMA SA BANAWE

0
81


BANAWE, ito ang bantog na bilihan ng mga spare parts at pagawaan ng mga sasakyan na kung saan sa lugar na ‘yan mo lang makikita ang lahat ng uri ng tao na sinasabing mga “hustler” na matagal nang nagpapahirap sa mga motoristang nagpapagawa at bumibili ng mga spare parts.

Kapag nagpunta ka sa lugar na ‘yan para magpagawa at bumili ng mga spare parts sa bukana pa lang ng Banawe, ay kukuyugin ka na ng mga sinasabing “hustler” dahil sa pag-uumpukan ka ng mga barker at mekaniko na kung saan kahit walang sira ang sasakyan mo ay maraming ituturo s’yo para ipagawa mo.

Aba’ sa bandang huli ay magugulat ka na lang dahil ang laki na pala ang babayaran mo sa mga kinalikot ng mga tarantadong “hustler” ng Banawe.

Daig mo pang hinoldap ng tatlong beses ng mga holdaper sa laki ng binayaran mo na hindi ka naman makakapalag o makakatawad sa kanila at panigurado ay gigipitin ka na ng mga hudas na ito.

Halos dekada na ang modus-operandi na ito ng Banawe dahil napakarami na ang mga nabiktima ng lugar na ito halos ang ibang mga nabiktima nito ay umuwi na ang dala ay ang kanyang sasakyan na pinagagawa.

Pero ang problemang ito ay tinuldukan na ni Quezon City Police Dis-trict Director Gen.Guillermo Eleazar ng kanyang pinahimasukan para matigil na ang ganitong uri pang-aabuso sa mga motorista.

Sa pangunguna ni Gen. Eleazar katuwang niya QC Police Station 11 na nakakasakop sa nasabing lugar na pinulong nila ang 300 freelance mga mekaniko sa Banawe at isa-isang kinuha ang profile o background ng mga ito.

At ang ilan sa mga napiling mekaniko dito sa Banawe ay binigyan ng identification card (ID) para maging bahagi ng grupo na lehitimong auto technician ng Quezon City.

Sa ganitong sistemang naisip ni Gen.Eleazar ay nakaiwas ang mga motorista sa mga mapang-abusong mga technician at naniniwala ang barangay kapitan na nakakasakop dito na si Kap. Rodel Lobo na napakalaking naitulong ang inisyatibong pamamaraan na ito ni Gen. Eleazar para matigil na ang ginagawang pananakot at panghaharas ng mga sinasabing “Banawe Hustler”.

Bukod pa sa mga ginagawa ni Gen. Eleazar ay balak pa niyang palawakin ang sistemang ito na ipatupad sa iba pang mga freelance auto technician sa ibang bahagi ng lungsod at tuluyan ng maalis mga “hustler.”

Binigyang-diin din pa ni Director Eleazar na tuloy tuloy ang kanyang gagawing pagsubaybay sa mga binebentang parts sa mga tindahan upang maiwasan ang pagbenta o pag-recycle ng magnanakaw na parts.

Ano pa, saan pa kayo?

“’Yan si Gen. Eleazar, tunay na nagmamalasakit sa taumbayan maging sa bayan na umaagapay sa mga panuntunan na ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte, PNP chief Gen. Ronald dela Rosa at NCRPO chief Gen. Oscar Albayalde.

NAGPAPAKILALANG COLLECTOR SA 1602

Sino itong isang alyas Florence nagpapakilalang tong-collector daw ni Region 4 RD Gen. Ma.OR Aplasca sa mga iligal na pasugalan at iba pang mga kailigalan sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite.

Walang ipinanganalandakan ang mamang ito kundi ang pangalan ni RD, may go signal nga ba si RD sa ginagawang mga pangongotong nitong si Florence?

Alamin natin….

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments