FOREIGN TERRORISTS PATAY SA MARAWI

0
133


Muling napasok at napasakamay na ng tropa ng pamahalaan ang ilang bahagi ng Marawi City na kinubkob ng grupong Maute.

Ang pagkakabawi ng tropa ng pamahalaan ay ikinaresulta naman ng pagkakapaslang sa mga terorista.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Martial Law in Mindanao spokesperson Brig./Gen. Restituto Padilla Jr., na 31 terorista ang nasawi at anim sa mga nasawi ay pawang mga Malaysians, Singaporeans, at Indonesians, na kaanib ng kalaban.

“We received certain information that among the 31 killed, of the 12 identified, at least six of them are foreigners, but we are still validating this information,” wika ni Padilla.

Ayon kay Padilla, kabilang sa napasok na ng militar ang Barangay Panghulo kung saan napatay ang ilang miyembro ng Maute.

Sinabi ni Padilla na base sa intelligence report, dati nang nasa bansa ang mga teroristang pawang eksperto sa paggawa ng bomba o pasabog.

“There are certain foreign elements here staying in the country for a long time. Their expertise is making bomb. They are certain foreign elements aiding these terrorists in skills related to terrorism, primarily bomb-making,” wika ni Padilla.

“Up to this moment operations are ongoing. There are still firefights between our forces and those of the terrorists and the objective of armed forces is to clear the city,” dagdag ni Padilla.

Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na magiging marahas ang sandata­hang lakas ng Pilipinas sa mga rebelde sa bahagi ng Mindanao. Walang dapat na ikatakot ang publiko kung susunod naman ang mga ito sa batas.

Nanawagan si Padilla sa mga may-ari ng hindi lisensyadong baril na isuko sa mga awtoridad at posible ring magdeklara ng curfew. Pero nilinaw nitong hindi naman inalis ang freedom of expression sa Mindanao.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments