Flattered sa sinabi ni Kris!

22


NA-shocked si Alden Richards sa pagsasabi ni Kris Aquino na crush siya.

“Nagulat po ako. Hindi ko po ini-expect. Pero nakatutuwa po kasi Miss Kris Aquino ‘yan. I’m taking it as a very good compliment, nakatutuwa, siyempre po si Ms. Kris ‘yun, Queen Of All Media,” reaksyon niya.

“Parang tuwang-tuwa po si Ms. Kris pag nakikita niya ako pag may chance na mag-meet,” bulalas pa niya.

Ang bango-bango mo raw?

Tumawa ito at sabay sabing “Bango-bango? Opo. Kaya maya’t maya spray, eh para ano.”

Ayon pa nga kay Kris, gusto niyang makasama si Alden sa isang pelikula na parang mother and daughter ang tema.

“Kung may chance naman, why not,” bulalas pa ni Alden.

Kung halimbawang magkaroon sila ng project sa Kapuso network, okey ba sa kanya?

“Opo naman. Siyempre po. Of course, pag mga ganoong opportunities dapat, gina-grab po. Sayang po ‘yung chance,” pakli pa niya.

Sinabi rin ni Alden na kaya napaaga ang pag-uwi niya galing sa bakasyon sa Japan kasama ang pamilya dahil sa New Years Countdown. Parang panata na niya ‘yung seven years sa event na ito ng kapuso network.

“Ewan ko po. Parang it’s a good way to start a year. Unang suweldo po kasi. Kaliwaan po kasi sa countdown, eh. Hindi ko po ginagastos, tinatabi ko agad. ‘Yun din po kasi ang unang-unang labas ko sa GMA. So, sabi ko noon sa sarili ko na ituloy-tuloy ko na talaga regardless of the circumtance,” sey niya.

Samantala, achievement para sa sarili niya ang bakasyon nila ng pamilya niya sa Japan dahil ang tagal na niyang plano.

Next year plano naman niya na sa Europe magbakasyon pag papayagan ng doctor ang lolo’t lola niya at kaya ng health nila.

Para sa kabuuang interview, please subscribe Roldan Castro Youtube Channel.

-0o0-

Inurirat din si Alden kung ano ang update sa AlDub sa kanyang Thanksgiving party sa movie press na ginanap sa kanyang Concha’s Garden Café.

“’Yung kay Maine po, maraming gustong magtanong pero eto na lang po ‘yung gusto kong sabihin with regards to everything. Nag-usap po kami bago siya umalis (US). And I’m very happy that she’s having fun, spending the holidays with her family sa abroad.

“And the same thing rin na nangyari rin po sa akin, I’ve got to spend time with my family na parang we really both deserve those breaks apart from everything po.

“So, hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya,” bulalas ni Alden.

Anyway, pinasaya ni Alden ang movie press sa kanyang Thanksgiving Party sa kanyang Concha’s Garden Café, Sct. Borromeo cor Tomas Morato nu’ng December 28. Ito ang pagkakataon na muli niyang naka-bonding ang mga movie press na patuloy na sumusuporta sa kanyang career.

May raffle na 25 thousand ang grand prize kaya masayang-masaya ang entertainment press.

Pak!

-0o0-

Nagmarka si Ruben Soriquez dahil gumanap na ama-amahan ni Liza Soberano sa “Dolce Amore” at sa pagiging Harry Potter look-alike.

Ayon kay Direk Ruben Maria Soriquez, biggest break niya sa TV ang teleseryeng “Dolce Amore” na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Enjoy talaga siya na na-appreciate siya ng mga fans.

“Yes, I love the Philippines, half Pinoy ako eh. Oh, I’m enjoying, I’m enjoying the showbiz here at yung fans, natutuwa ako sa kanila,” bulalas ni Direk Ruben.

Unang nakilala sa mundo ng local showbiz ang Fil-Italian actor/direktor na si Ruben sa pelikulang Of Sinners and Saints na siya rin ang director at lead actor.

Co-stars niya rito sina Polo Ravales, Richard Quan, Raymond Bagatsing, Channel Latorre at Althea Vega.

Dito rin nanalong Best Actor si Direk Ruben sa sa 2015 World Premieres Film Festival-Philippines.

Huling napanood si Direk Ruben sa pelikulang “Unexpectedly Yours” na tinampukan nina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Joshua Garcia at Julia Barretto. Gumanap siya rito bilang boss ng Megastar.

“Happy ako na makatrabaho siya, masaya kasi katrabaho si Ms. Sharon, always joking. But when she gets into character, mabilis lang niya nagagawa ang eksena niya. In the movie, I play Ricardo, the boss of Patty (Sharon).

“Sayang lang kasi wala kami scene together ni Robin (Padilla). But I met him at the premiere night and it was a pleasure and we agreed to meet anew and talk about projects,” kuwento niya.

Nami-miss na rin niya ang LizQuin na makatrabaho.

“Sana, sana next year magkaroon ulit ng project with them. Pero next year mayroon akong mga project sa Italy, so I hope they don’t call me when I’m busy sa Italy,” bulalas niya.

“Now mayroon akong isang bagong movie. The Spider’s Men. Meaning the men of spiders. Kasama sa movie sina Richard Quan, Lee O’Brian, Jeffrey Tam, the magician, Rob Sy … it’s a black comedy directed by me, produced by me, written by me,” sambit pa niya.

“Ang tema is I will reconnect with my half Pinoy brother. Pero may sakit siya, autistic siya (Richard). Comedy na may drama rin and there’s thriller, because some guys, they try to take advantage of me and my brother. It will be bloody. Actually, parang Quentin Tarantino style.

“Iyong isang film pa is The Lease, directed by Italian director Paulo Bertola. It’s from Utmost Creatives Production, ‘yung producer is the owner of Brand magazine, he’s producing films now. I’m the husband of Garie Concepcion in the film. It’s a paranormal thriller. This is a horror film,” saad pa niya. Boom! XPOSED/ROLDAN CASTRO





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments