Federer ‘King of Wimbledon’ –

0
33


Pinagharian ni Roger Federer ang 2017 Wimbledon men’s singles tournament at ilista ang record eight title matapos ang straight sets win sa na-injured na kalabang si Marin Cilic, Linggo sa All-England tennis court sa Wimbledon, London.

Hinablot ni Federer ang kanyang 19th Grand Slam title, 6-3, 6-1, 6-4 at sa edad 35 ay naging Wimbledon’s oldest men’s winner ng modern era, nilampasan si Arthur Ashe, na 32 naman nang maging kampeon noong 1975.

Ang Swiss superstar’s 11th Wimbledon final at 29th sa majors, ay matatandaan rin ng mga nakasaksi kung papaanong humagulgol si Cilic matapos malaglag 0-3 sa second set sanhi ng iniindang injury.

Isinubsob ng seventh seed Croatian, 2014 US Open champion, ang mukha sa tuwalya na tila sinasabing naglaho na ang kanyang pangarap, matapos na ang kanyang kaliwang paa ay lagyan ng tape pagkatapos ng second set, habang ang kalabang si Federer ay naging unang player sapul noong 1976 nang si Bjorn Borg ay magwagi sa Wimbledon nang hindi natatalo kahit isang set sa buong torneo.

Pinuri naman ni Federer ang kalaban: “He’s a hero.”

May 12 buwan na ang nakalilipas, si Federer ay natalo sa five sets sa semifinals ni Milos Raonic at pansamantalang tumigil para ipahinga ang kanyang knee injury.

“It’s disbelief I can achieve such heights. I wasn’t sure I would ever be here in another final after last year,” ani Federer.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments