Fans ng K-pop group nag-camp out para sa VIP tickets

0
63


Bago pa man mag-alas-8 ng gabi, pumila na ang ‘carats’ para sa VIP package tickets na ibebenta bukas, Hulyo 18, alas-8 ng umaga

Nagsimula nang dumating sa Mall of Asia Arena ang fans ng K-Pop group na ‘Seventeen’ na magdaraos ng first concert sa bansa sa Oktubre.

Bukas, Hulyo 18, sa ganap na alas-8 ng umaga, magsisimula ang bentahan ng VIP package tickets para sa concert.

Pero Lunes ng gabi pa lang, nagsimula nang pumila ang ‘carats’ o ang fans ng ‘Seventeen’ para matiyak na magkaka-ticket sila dahil 600 lang ang ibebentang VIP package tickets.

Pasado alas-9 ng gabi nitong Lunes, Hulyo 17, lagpas 100 na ang nakapila, sa taya ng isang fan na ika-95 na sa pila. Binibigyan ng stub ang mga nakapila bilang marka kung pang-ilan na sila sa mga bibili.

Puwede raw bumili nang hanggang apat na VIP package tickets ang bawat nakapila.

Nagkakahalaga ng P12,500 ang VIP package ticket.

Bukod sa makakanood ng concert, makaka-‘hitouch’ din sa kanilang idolo ang ‘carats’ na may VIP package ticket.

Maagang pumila ang ‘carats’ para matiyak na makakabili ng Seventeen concert VIP Package ticket na ibebenta bukas, Hulyo 18

Sumikat ang ‘Seventeen’ sa kanilang hit songs na ‘Shining Diamond’, ‘Adore U’, ‘Mansae’, ‘Pretty U’, ‘Aju Nice’, ‘Boom Boom’, at ‘Don’t Wanna Cry’.

Binubuo ang grupo ng 13 miyembro na sina Choi Seungcheol, Yoon Jeonghan, Joshua Hong, Wen Junhui, Kwon Soonyoung, Jeon Wonwoo, Lee Jihoon, Lee Seokmin, Xu Minghao, Kim Mingyu, Boo Seungkwan, Hansol Chwe, at Lee Jung Chan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments